SAKSI SA DOBOL B

 

JOEL REYES ZOBEL (JRZ): Ang ating bagong Senate President, Senator Chiz Escudero. Ginoong Pangulo po ng Senado, magandang umaga po sa inyo. Si Joel at si Weng po ito.

ROWENA SALVACION (RS): Senate President, good morning.

JRZ: Senator Chiz. Senate President Chiz Escudero. Hi, Sir.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): ‘Yung monitor, please.

JRZ: ‘Yung monitor natin kay Senator Chiz Escudero. Naririnig ka na namin dito. Gandang lalaki ni Senator Chiz, mga Kapuso. Naka-puting t-shirt po siya ngayon.

CHIZ: Joel, Weng, at sa ating mga tagasubaybay, magandang umaga sa inyo. Nali-late lang ng kaunti ang monitor, Joel. Sorry.

JRZ: OK lang po, Senador. Siguro, magandang malaman namin sa first few days mo as Senate President, kumusta ang pakiramdam? Ano ang karanasan, so far, in the first few days na ikaw ay ang bagong talagang Senate President? Mahirap ba ang trabaho?

CHIZ: Mabigat ang trabaho, Joel. Ang bago ay tumatayo ako hindi lamang bilang kinatawan ng sambayanan sa Senado kundi bilang ama na rin ng institusyon at ng opisina ng mga opisyal at empleyado ng Senado. Ang insikaso ko nitong mga nagdaang araw, ‘yung tahanan naming. ‘Yung Senado mismo, dahil hindi maikakaila, ‘yung mga reporter niyo na nasa Senado wala kaming aircon mula nung May 10 at baka umabot pa yan hangang SONA. Tinitiyak ko na hindi mangyayari ‘yan, Joel and Weng.

RS: Bakit ba, anong problema sa aircon niyo?

JRZ: Anong nangyari sa kuryente ninyo, sa aircon?

CHIZ: Sa simpleng dahilan, hindi kuryente ang problema, ‘yung module ng chiller. Umaandar ang chiller, umaandar ang aircon pero ‘yung control na digital nasira at walang in-order na manual override ang Senado para umandar pa rin ‘yung aircon maski na sira ‘yung module.

RS: Patay tayo diyan, Senate President. Pero ito meron na ba kayo naging hakbang Senate President Chiz kung papaano po magre-reach out doon sa kampo ng mga senador na nawala sila sa posisyon after na mangyari ‘yung Senate leadership change.

JRZ: Pito ‘yan. Medyo mabigat na bilang daw po ‘yan, Senador.

CHIZ: Well, matapos ang aming botohan noong Lunes, nagkausap na kaming lahat. Lahat sila nakausap ko na, lahat ng ibang mga senador nagkausap-usap naman na at naniniwala ako Joel, Weng, alam at sanay ang bawat senador dahil mga beterano na ‘yan graduating na nga ang ilan. Graduating na nga si Senator Angara, si Senator Nancy. Si Senator Zubiri, Senate President Zubiri, kasabay kong pumasok ‘yan noong 1998, so hindi ito bago sa kanila. Nakita na nilang nangyari ‘to at naniniwala akong ordinary na rin ito sa kanila bagaman ngayon personal silang involve hindi tulad sa nagdaaan pero ito ay normal na bahagi at yugto, ika nga, na posible at puwedeng mangyari at totoong nangyayari sa Senado.

JRZ: OK. Ito lang siguro after this interview natin Senator Chiz as far as “Saksi sa Dobol B” is concerned, ibabaon na ho namin sa limot ito. Pero gusto lang po naming malaman kung ano ho ba talaga ang tunay na dahilan kasi ang dami lumalabas na kadahilanan, una, ‘yung issue daw po sa Cha-Cha. Ikalawa, ‘yung issue po kay “PDEA Leaks”, ‘di ba. Ikatlo, pati ‘yung kay Senator Ramon Revilla, ‘yung paa niya.

RS: Meron pang isang issue Senate President, ‘yung issue daw ng “bukulan” sa pondo.

JRZ: Ano ho ba talaga ang tunay na dahilan kasi nang tinanong kayo ng mga reporters po diyan, nabanggit niyo po na merong agam-agam ‘yung Majority ng ating mga Senador kaya napalitan nga po si Seantor Migz, na pinalitan ni Senator Chiz. Ano ho ba talaga ang tunay na dahilan, Senador?

CHIZ: Bawat senador may indibidwal na dahilan walang iisang dahilan para (inaudible) kung hindi nawalan o kawalan o kakulangan ng kumpiyansasa liderato. Kung anuman ang rason sa likod nun ng indibidwal na senador, kanya-kanya na ‘yon, Joel, Weng. Pero sagutin ko nang isa-isa ang katanungan mo para mapatunayang hindi totoo.

Kung “PDEA Leaks”, talaga ‘yun bakit sumuporta sa pagbabago ng liderato si Senator Bato at kung “PDEA Leaks” talaga yon, ‘di sana ‘yung 14 na boto ay siya na lang ‘yung pinalitan. imbes na si Senate President Zubiri pa ang pinalitan kung ‘yun talaga ang dahilan. Kung paa ni Senator Revilla ang dahilan, pareho kaming pabor ni Senator Villanueva na payagan na virtual appearance. Bakit magkaiba ang posisyon namin sa pagpapalit ng liderato? Kung totoo nga—ano pa ‘yung binanggit mo?

JRZ: ‘Yung pondo, ‘yung “bukulan” daw sa pondo, Senador.

CHIZ: Pondo pati si Senator Villanueva meron mga kuwestiyonkaugnay sa budget ng 2024 bakit magkahiwalay din ang boto. Isama mo na ang Cha-Cha ang pinakamaingay na kumontra sa Cha-Cha ay si Senator Imee, ako at si Senator Villanueva pero hindi rin magkasabay ‘yung boto. Isama mo na may kinalaman daw si Speaker Romualdez dito, numero uno, niyang kritiko na si Senator Marcos kasama din sa nagnais ng pagpapalit ng liderato. So hindi po common denominator ‘yun. So hindi ‘yun ang rason klaro ng lahat kundi ng isa lang ang common denominator kawalan o kakulanganng kumpiyansa dahil sa iba’t ibang rason at kadahilanan na personal lamang sa mga miyembro.

RS: Hindi po kayo nahirapan at any time kukunin ‘yung sapat na boto Senate President Chiz against Migz.

CHIZ: Hindi naman madali palagi ano man ang pagbabago dahil ang kailangan lamang gawin ng liderato ay mintenahin ang numerong 12 ang dapat gawin ng nais ng pagbabago ng liderato ay makakuha ng dagdag pang isa para maging 13.

JRZ: Siguro kung hindi naman kalabisan, Weng, puwede ba natin matanong si Senator Chiz, anong dahilan niya kung bakit pumirma siya doon? OK kung sasabihin ninyo pero kung hindi naman wala din naman pong problema

CHIZ: Personally, ang aking dahilan ay ‘yung pag-handle ng Cha-Cha. Hindi ako sang-ayon sa pagpapatuloy ng RBH 6 at 7 at dalhin ito hangang sa punto na ito ay pagbobotohan pa bagaman siguradong talo sa Senado.

JRZ: Speaking of Cha-Cha, binago na ho ng Kongreso ang katawagan dun sa kanilang gustong mangyari hindi na po “Economic Cha-Cha” kundi “constitutional amendments” na po. Ang gusto lang daw po talaga nila ay madagdagan ang trabaho po ng mga Pilipino at oportunidad at mas mapalaki ang tsansa na umunlad ang mga Pilipino. Ano ba ang posisyon ng Senado, current leadership, dito po sa issue na ito baka naman ‘yung ating pagnanais na mapaganda ‘yung ating relasyon sa Kongreso baka magpatuloy yung masalimuot na relasyon kapag ngayon pa lang, Senador, ay ayaw niyo na po sa— ano ba constitutional amendments daw po? OK na ho ba sa inyo ‘yun, Senator Chiz?

CHIZ: Marami akong kaibigan sa Kamara, Joel, Weng. Alam nila ‘yan, mapag-uusapan naming ‘yan puwede naman kaming hindi magkasundo sa ilang bagay ng hindi nag-aaway o nagbabangayan sa publiko. Puwede namin isantabi kung ano man ang hindi naming pinagkakasunduan o puwede kaming maghanap ng gitna na puwede naming mapagkasunduan sa bagay na ‘yan.

Ang “Economic Cha-Cha” na isinusulong sa ngayon, hinihintay kong makumbinsi ako at marami naming mga kasamahan na kailangan talaga ito. Halimbawa, Joel, Weng, ang educational opening, ika nga, pagbubukas ng edukasyon sa mga dayuhan ginawa na namin ‘yan. Ako pa nga ang chairman. Nagpasa kami ng batas para payagan ‘yung foreign schools na magtayo dito. In fact, ayaw nga nilang buksan sa basic education meron tayong BSM meron tayong ISM meron tayong Faith-Hill na puro foreign basic educations schools, so hindi ko alam kung ano yung pagbabagong kailangan pa nandito naman na ‘yan.

Pangalawa, kaugnay ng advertising at media, hindi ko rin nakikita na dadagsa ang dayuhang negosyante dito kapag binuksan ‘yan dahil ‘yung CNN, ‘yung BBC napapanood ko na sa loob ng kuwarto ko na hindi naman nila kailangan magmay-ari ng frequency dito. ‘Yung utilities binuksan na rin ‘yan sa pamamagitan ng batas pending nga lamang sa Korte Suprema kung kaya hindi pa naeengganyo ang mga negosyanteng pumasok diyan.

Ang solusyon marahil ay i-convene pinapanukala ko ng JELACC para magkausap ang Kongreso, Ehekutibo at ang Judiciary hindi para diktahan and hudikatura na magpasya sa particular na desisyon ng kaliwa o kanan pero para pagpasyahan lamang sana sa lalong madaling panahon ang ilang nakabinbing kaso para makagalay na rin naman ang Lehislatura at Executive bilang paggalang sa magiging desisyon ng korte.

RS: Basta ang bottom line, Senator Chiz, hindi, walang deadlock na ating masasabi pagdating sa issue ng Cha-Cha? Lahat ay open ang possibilities pa so far.

CHIZ: Sa akin Weng, Joel, ang pangunahing rason kung bakit hindi natutuloy ang Cha-Cha ay duda. Duda ang mamamayan kaugnay sa tunay na motibo sa likod ng mga pagbabago. Ang isang posibleng solusyon diyan, sabihin na nila kung ano ang gusto talaga nila. Sabihin na natin kung ano ang gusto natin ihain natin sa tao at hayaan natin silang magdesisyon imbes na puro pasakalye pa ang ginagawa natin kaugnay o nila kaugnay ng Cha-Cha.

RS: Kapag sinabi nating sila ang mag desisyon ano po ‘yun via a referendum o via survey. Let’s get the pulse or test the waters?

CHIZ: Sa pamamagitan ng People’s Initiative, sa pamamagitan ng Constituent Assembly kasi Weng, unti-unting lumalabas na merong mga political naman talagang pagbabagong nais silang gawin. Ito ba talaga ang nais nila? Diretsuhin na ninyo, diretsuhin na natin ang publiko dahil lalong tinatago ito lalong magdududa lamang ang publiko at lalong ito’y hindi matutuloy.

JRZ: OK, ‘yung amendment po sa Rice Tariffication Law, Senador, anong maitutulong po ng Senado para mapababa po natin ‘yung presyo naman ng bigas?

CHIZ: Well, nagkasundo na si Senator Villar at si Senator Marcos. Ayon kay Senator Villar, nung nag-imbita ng hapunan si Pangulong Marcos sa Senado at ‘yung detalye si Senator Villar na ang maghahain bago kami mag-resume inaasahan ko ang committee report ng RTL amendment at maihain na ni Senator Villar bago kami mag-resume para matalakay namin ito sa lalong madaling panahon. Ang pagpapababa ng presyo ng bigas, Joel, Weng, ay sa dulo kuwestiyon pa rin ng supply kapag kulang ang supply mataas ang presyo kapag sobra ang supply bababa ang presyo. Nais buhayin ng pamahalaan ‘yung dating papel ng NFA o ngayon ay baka mapasakamay na ng DA dahil sa madaming kapalpakan at kurapsyon na dumikit na sa pangalan ng NFA na bibilhin ng medyo mataas sa magsasaka man o sa labas at ibebenta ng mura sa mga piling bentahan ng bigas para mapababa yung presyo niyan at maging abot kaya sa pinaka-nangangailangan.

JRZ: OK, Senador at sana hindi ito ang huli makipagtalastasan sa inyo.

RS: Ang dami pa naming gustong itanong kung kailan alam namin na short ang aming time.

CHIZ: Puwede pang ihabol, Weng.

JRZ: Pero siguro sa mga susunod na pagkakataon, Senador. Salamat sa oras mo mag-ingat ka at regards kay Ma’am Heart.

RS: Oo siya na ang president ng Senate Spouses Foundation.

CHIZ: Ngayon yata ang schedule niya ay may shooting sila ng station ID.

RS: Sa Rizal Park ata ‘yon, Senator today.

JRZ: We will see you at the Gala, Senador. Mag-iingat kayo. Thank you.

RS: Thank you.

CHIZ: Salamat, Joel. Salamat, Weng. Good morning sa mga tagasubaybay.