SPECIAL ON SATURDAY

 

CESAR CHAVEZ (CC): Senator, good morning!

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ):  Cesar, magandang umaga sa lahat ng ating tagasubaybay sa DZRH.  Magandang umaga din po, pagbati mula sa Lalawigan ng Sorsogon.

CC:  Senator, I’m sure kahit papaano kung hindi niyo man napanood ‘yung mga presidential forums sa iba’t ibang networks, I’m sure baka nakita ninyo sa social media, sa diyaryo at sa iba pang television news ‘yung mga sinasabi nilang napakaraming plano ang nariring natin pero saan tayo kukuha ng pera.  Kayo ho ay matagal naging chairman ng Senate Ways and Means.  Iyong committee ninyo ang naghahanap ng trabaho.  Napakaraming challenges sa susunod na pangulo.  Saan tayo kukuha ng pera, Senator Chiz?

CHIZ:  May puntong sinabi si Senator (Ping) Lacson underspending ng pamahalaan.  Humigit-kumulang Php300-B hanggang Php4-B ‘yan, Cesar.  So, kung mau-utilize natin ‘yan kung ma-aappropriate ng tama, ma-allocate ng tama may puwedeng pagkunan ng pera mula sa underspending.  Pero may higit pang malaking problema sa darating na panahon, Cesar, na hindi pa natatalakay marahil at ‘yan ‘yung pagbagsak, pagbulusok pababa ng Internal Revenue Allotment sa darating na taong 2023.  Alalahanin natin dahil sa Mandanas, tumaas ang IRA nang humigit-kumulang Php655-B para sa barangay, munisipyo, siyudad at probinsiya.

Pero pagdating ng 2023 dahil, ika, nga nakabase ang IRA sa internal revenue ng national government ng tatlong taong nakalipas.  Nakabase ‘yan IRA sa internal revenue ng gobyerno ng 2020.  Alam naman natin dahil sa pandemya kaya bumagsak ang ekonomiya natin ng mula sa +6% sa -9% o humigit-kumulang labinlimang porsiyento binaba ng ating ekonomiya year on year.  Bumaba na nga pag-ikot ng ekonomiya, siyempre mas bababa pa ang koleksyon.

May ilang eksperto tinataya na mga 28 porsiyento ang ibababa ng IRA sa taong darating.  Ang tanong saan kukunin ‘yun.  Kung ang katumbas ng Php655-B na humigit-kumulang 18 porsiyento kung mawawala o bababa ang IRA ng 28% ang hahanapin natin pera kulang-kulang Php1-T.  Saan kukunin ‘yun dahil kung hindi paano iikot o gugulong ang ekonomiya, Cesar, sa sulok-sulok ng bansa kung bumaba o baba ang IRA ng mga lokal na pamahalaan.

CC:  Kung bababa ang budget ng local government units palagay ko pati ‘yung line agencies baka maapektuhan.  Papaano ang budget management kung kayo, halimbawa, makabalik sa Senado, anong magiging — saan tayo mag-squeeze number 1 and number 2? Saan tayo magtitipid?  Of course, kung halimbawa nangyari na ho ba ‘yan mula kayo naging congressman na nagkaroon say 5% or 10% budgetary cut across the board sa lahat ng line agencies including local government units?

CHIZ:  Hindi pa, Cesar.

CC:  Hindi pa.

CHIZ:  Palaging pataas ang budget.  Dahil kung iisipin mo, may inflation tayo on average kung maganda ‘yung taon 4 hanggang 5 porsiyento, ‘di dapat ‘yung budget sa darating na taon tumaas man lang sa halaga ng inflation kung hindi ‘yan tataas sa halaga ng inflation magko-contract ang ating ekonomiya.  Kailangan natin magtanggal ng tao, kailangan natin magbawas ng serbisyo.  Kung nais natin muling bumangon mula sa pandemyang ito ang pangunahing kailangan gawin ng pamahalaan ay gumastos dahil kung hindi ‘yan ay makakaapekto rin sa pribadong sektor na magdadalawang isip din sa ekonomiya natin baka hindi makasagap ng puhunan, baka magpigil sa paggastos magiging rason ‘yan kung para imbes na lumago; lumihis ‘yung ating ekonomiya.

Ayon sa World Bank, Cesar, tataas daw ng 5.9% ang ating ekonomiya sa taong ito ayon sa kanilang pag-aaral dahil sa fundamentals at mga economic policies ng bansa.  Iyan ay isa sa pinakamataas sa parteng ito ng mundo kaya hindi dapat magpumigil ang pamahalaan kaugnay sa paggastos at sa muling pag-ikot ng ekonomiya lalo na itong panahong ito na nagre-recover tayo mula sa pandemya.

CC: Hindi dapat tumigil sa paggastos ang gobyerno from pump-priming the economy, sapagkat ito lang talaga ang isa sa number one solution. Sapagkat kagaya ng binanggit ninyo baka iyong private sector mag-aalangan pa, expansion, extension ng kanilang mga proyekto but babalik ako doon.

Saan tayo kukuha ng pera? Anong options mayroon ang gobyerno para ma-attain ang kanyang revenue target? Kinakailangan bang mag-dispose pa tayo ng iba pang properties ng gobyerno? Magbenta ng mga kalupaan ng gobyerno? Papaano ho ito? Iyong PPP, is that an option para sa gano’n ay tuloy tuloy pa rin ang pump priming the economy pero may participation pa rin ang private sector?

CHIZ: Nabanggit mo ang ilan, Cesar. Una, buwis ang pagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Subalit hindi ako naniniwala na ito ang tamang panahon para magtaas ng buwis dahil nga bumabangon tayo mula sa pandemya at pagbagsak ng ating ekonomiya pero buwis ang pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Pangalawa, pagbebenta ng mga asset ng pamahalaan o pag-aari ng pamahalaan. Pangatlo, pag-utang. Pang-apat, pagbibigay sa private sector. Iyan ang PPP na binabanggit mo sa ilang posibilidad na proyekto para sila ang gumastos pero siyempre may kapalit at balik iyan na kita sa parte nila at panglima isaayos ang pag-a-allocate ng pondo ng pamahalaan. Pang-anim, pigilan ang korupsyon. Ayon kay Ombudsman Cyril Ramos, humigit kumulang Php600-B ang nawawala dahil daw sa korupsyon kada taon. Ayon sa World Bank, tinatayang nasa Php2-B hanggang Php300-B naman iyan. So, iyon ang ilang mga bagay na puwedeng pagkuhanan lamang ng pamahalaan ng pondo kaugnay ng anumang gagawin nito para sa ating ekonomiya.

CC:  Senator, noong nandito ang inyong ama as early as 4 o’clock in the morning, napakatiyagang magprograma nito. Ganyan siya ka-tiyaga. Ang isa sa mga audience niya ay mga senior citizen at mga retired employee. Senator, matindi ang dagok sa ekonomiya ng pandemyang ito, papaano ang retirement ng military at uniformed personnel? Halos Php1-T din ho iyon. May assurance ba ang gobyerno? Dapat bang i-assure ng gobyerno na iyong mga retirement pay nila- saying in the next 10-20 years ay hindi apektado at tuloy tuloy ang pagbuhos at hindi made-delay ang kanilang mga retirement pay?

CHIZ: Obligasyon ng pamahalaan iyan, Cesar, dahil ipinangako natin iyan sa ating mga kasundaluhan, sa ating uniformed personnel. Pero, tama ka, napakalaking burden iyan. Sa mahabang panahon, iyan ay nanggagaling sa taunang budget. Hindi tulad ng mga empleyado ng pamahalaan na nanggagaling po iyan sa GSIS kung saan ay sapat na actuarial studies kung saan hindi kada taon na kailangang bumunot ng pamahalaan mula sa national budget pambayad ng pension ng mga nagretirong kasundaluhan natin.

Matagal na naming sinsubukan na isaayos iyan pero bago namin naisaayos iyan, pinataasan pa ni Pangulong Duterte muli ang suweldo ng ating mga kasundaluhan at uniformed personnel na alam mo naman, Cesar na naka-base diyan iyong pensyon ng mga retirado. Ang pinakanagawa noong panahong iyon ng inyong Kongreso ay hindi siya inin-index doon. So, noong i-increase iyong suweldo, hindi isinabay doon. Depende kung kaya ng pondo o hindi ‘yung pensyon ng retirado. Dahil kung hindi mas mahihirapan ang pamahalaan na mabayaran iyon at magiging pangakong hindi kayang tuparin lamang iyan. Rason para pagsikapan ng pamahalaan na hanapan ng pondo palagi ‘yan taun-taon. Ika nga Cesar, nag-intersect na dumating na sa panahon na mas mataas na ‘yung binibigay natin hindi lang tensyon sa mga retiradong sundalo at uniformed personnel kumpara sa sinusweldo natin sa nasa active service pa na uniformed personnel.

CC: Alright, two more questions. One is underspending. Naghahanap kayo ng pera at binibigay sa iba’t ibang department hindi naman nagagastos. Ang iba, napakalaki ang mga hindi nagagastos lalong-lalo na sa right of way, acquisition, etc. Papaanong management natin diyan sa next administration, Senator?

CHIZ: Ang isang paraan ay ilagay ‘yan sa isang lumpsum amount sa budget na legal at ginagawa natin. Nagdesisyon na ang Korte Suprema na puwede. Ibig sabihin nun, nakaparada ‘yan sa isang item sa budget at mahuhugot, mabubunot lamang kung kailanga ng gastusin para sa  gayon ‘pag hindi ‘yan magastos para diyan puwede pa rin magamit sa iba. Kumbaga Cesar, fiscal space lamang ang pinag-uusapan sa budget. Hindi ‘yung actual cash. Lalo na itong panahon na ‘to mas mahalaga ang fiscal space at mas mahalaga rin na ‘yung actual cash mapanatili natin sa tamang gagastusan upang sa gayon hindi nasasayang ‘yung limitadong cash na mayroon ang pamahalaan.

CC: Alright, last point on the budget issue, Senator Chiz. Ngayong kampanya in the last two months, madalas akong makarinig at palagay ko pati kayo at ating mga kababayan na mga tumatakbo kaliwa’t kanan ang ipini-propose na pag-create ng mga government new agencies, departamento, commission, etc. Should we rationalize now that wala naman tayong maliwanag na pondo pa? Dapat bang magkaroon muna ng moratorium in the creation of new departments, new government agencies, Senator?

CHIZ: Sa parte ko, Cesar, nag-right siding ako sa pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon dahil sobrang laki ng personnel staff ng pamahalaang panlalawigan. Nag-ISO certify pa kami 901-2015 para matiyak na mas episyente ang pamahalaan na hindi kinakailangang dinadagdagan ito ng karagdagang ahensya o personnel pa. Tama ka Cesar, hindi naman sa moratorium pero pag-aaralan ng husto dahil baka sa dulo nauubos lamang sa suweldo, sa gusali, sa MOE ang pondo ng pamahalaan imbes na rektang proyektong mararamdaman at para sa benepisyo talaga ng ating mga kababayan.

CC: Alright, nabanggit niyo ‘yung Sorsogon. Senator, lumabas sa media 2 or 3 days ago ang report ng maraming news agencies na nilagdaan na ng Department of Transportation ang PNR Bicol. Ang tawag diyan ay CP1 Contract Package 1 at ‘yan ay mula Calamba hanggang Albay at hindi kasama ang Sorsogon. That’s Php142-B, Senator, mukhang nabago ‘yung direksyon. Remember na itong bago sa tanong ko itong prosesong ito pagkatapos ng DOTr ang susunod na step ay for the Department of Finance (DoF) na hingiin ang loan, mag-request ng loan sa Beijing at ‘pagka nagkapirmahan doon pa lang magpapa-bidding. So iba ang sistema kumpara sa JICA. But that’s not the point now. Ang punto ngayon ay hindi kasama ang Sorsogon, senator. Ano ang puwedeng paliwanag ho dito at ano ang gagawin niyo ho rito? OK na ho ba ito sapagkat wala namang assurance kung kailan ‘yung Package 2, Senator?

CHIZ: Actually, nagulat din ako kung bakit hindi kasama dahil sa mahabang panahon merong pakikipagusap ang DOTr gayun din ang PNR sa pamahalaan panlalawigan kaugnay sa bagay na ‘yan. Marahil maraming problema inaamin ko pero hindi rason para hindi maisama. Pero kung maraming problema sa amin, tiyak marami rin problema sa dadaanan sa ibang mga lalawigan. Halimbawa, Cesar, sa Lalawigan ng Sorosogon noong nakita ko ‘yung panukala nila gusto nilang gamitin ‘yung dating alignment ng PNR kung saan napakarami ng bahay na nakatayo ‘don.

Tulad ng sa ibang probinsiyang dadaanan ngayon ng PNR, kung doon nila idadaan ‘yan, ayon sa kanila noong una silang lumapit ay gagastos sila ng humigit kumulang Php30-B para lamang sa relocation ng mga settlers at mga bahay na dadaanan at tatamaan nung alignment ng tren. Ang sabi ko sa kanila noon, pinanukala ko imbis na gumatos kayo ng Php30-B para sa relocation pa lamang, bakit hindi natin ilayo mula sa current alignment, ibig sabihin po ‘non, isa, dalawang kilometro mula sa dating alignment o sa highway para mabuksan naming ‘yung mga interior naming.

Una mas mura ‘yung lupa, pangalawa mas madaling ipatupad at i-implement dahil walang mga bahay doon at pangatlo mabubuksan naming ‘yung interior namin naming at mapapalawak ang mga centro naming. Sabi ko nga sa kanila, akin na ‘yung Php15-B kami na ang magpapagawa ng kalye, kami na ang bibili ng lupa, nakatipid na kayo wala pang problema kaugnay sa implementasyon. Tulad na lamang ng C5 na ini-implement na pinagpaplanuhan na i-implement na sa ngayon. ‘yung C5, Cesar, ‘yan ang highway hanggang Matnog, diyan ang expressway hanggang Matnog na napanalunan ng San Miguel sa pamamagitan ng isang PPP.

Sa katunayan sa darating na Oktubre mag ga-ground breaking sila rito, bagaman may problema sa ibang mga lugar, gagawin nila ‘yung mga lugar na walang problema katulad dito sa Sorsogon dahil darating at daratiung din naman doon. Kaya nagulat ako na bakit hindi umabot hanggang Sorsogon dahil ang pangarap at ang plano ng bawat pamahalaan at ahensya ng gobyerno sa mga nagdaang panahon ay patawirin, paabutin ng Matnog, Sorsogon ang tren o ang highway dahil meron na ring panukala ang pribidaong sektor, Cesar, ma tumawid mula Matnog hanggang Allen sa pamamgitan ng tulay, ‘yan kung saka-sakali pinakamahabang tulay sa ating bansa. Ang haba ng tulay na ‘yan ay 26 kilometers na dadaan sa dalawang isla ng Capul para makatawid at makonekta na finally ang Luzon at ang ka-Visayaan. Tapos mula sa Leyte tatawid ng Surigao makokonekta na rin natin ang kabisayaan patungong Mindanoa.

At least in the three main island ng ating bansa ay finally makokonekta na po natin kaya sa madaling salita, hindi ko rin alam kung bakit, nagulat din ako sa laki ng pondo hindi pa rin naabot dahil noong una, Cesar, hanggang diyan lang naman ang tren. Hindi naman talaga umaabot sa lalawigan ng Sorsogon ‘yung tren sa mahabang panahon na pero sayang ang pagkakataon dahil sana kung naikonekta ‘yan and then may nakaabang na tayong tren para kumonekta sa kabisayaan at sa Mindanao

CC: Alright, originally Php175 billion ‘yan. Originally Php175 billion hanggang Matnog, Sorsogon but anyway mukhang na-excite ako ‘dun sa tulay from Matnog, Sorsogon to Allen. Ano ‘yan, is that in foreseeable future? Doable ba ‘yan in say bigyan natin ng 10-20 years from now, Senator?

CHIZ: Probably in 10 years tapos na ‘yung study sa dagat, sa galaw ng tubig, gaano kalalim ang tubig at sa gaya ng nasabi ko merong initial engineering design kaya alam ko na 26 kilometers ang haba n’yan. Pinagaralan na rin ‘yung lalim ng karagatan sa parteng ‘yan ng ating bansa at kung magagawa nga iyan, ‘Sar, sa pamamagitan ng PPP ay ‘yan ang magiging pinakamahabang tulay sa ating bansa, dahil malayong maikli ‘yung tulay na magkokonekta mula Leyte hanggang Surigao.

CC: Binubuhay ninyo ‘yung diwa ng mga nakikinig sa atin sa iba’t ibang radio stations sa Visayas at Mindanao. Anyway, Senator maraming salamat, congratulations mukhang number one kayo sa survey ng Manila Bulletin. Maraming salamat, magandang umaga. (speaking in local language)

CHIZ: (speaking in local language)