ALVIN ELCHICO (AE): Governor, magandang gabi po sa inyo.
DORIS BIGORNIA (DB): Hello, Gov!
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Alvin, magandang gabi sa iyo at tsaka kay Doris. Sa lahat ng ating televiewers, magandang gabi at pagbati mula sa Lalawigan ng Sorsogon. At least, outdoor ako, kayo nasa loob.
AE: Iyong totoo, nasa Sorsogon ka nga ba talaga? Parang sa Forbes park iyong likod mo.
CHIZ: Sana. Sana all.
AE: Sana all. Baka may Lexus diyan sa garahe mo, pakisilip mo, ‘di ba?
CHIZ: Sana all din, Alvin.
DB: Hindi. Nandoon sa Sorsogon iyan kasi nandoon ang kanyang wasweet. Alam ko gumagawa sila ng video. ‘I Left My Heart in Sorsogon’. O, ‘di ba?
AE: May gano’n pala?
CHIZ: Dito man, lock-in taping sila. Bawal pong magkita. Sa katunayan, huling nakita ko siya, November 17 pa. Mahigit isa’t kalahating buwan na.
DB: Wow. Naku!
AE: Oo, alam ko naka-lock-in taping partner. Hindi bale, OK lang iyan. Kayang-kaya iyan.
DB: Masipag itong asawa nito e.
CHIZ: Parang hindi OK iyon.
AE: Parang hindi OK iyon? Hindi, ibig sabihin nagtatrabaho siya. Nagtatrabaho ka, nagtatrabaho siya. Career niya iyon, ‘di ba?
DB: Korek!
AE: Pasasaan ba at babalik at babalik iyan diyan, ano?
CHIZ: Ang tagal naman.
AE: Anyway, on a more serious note, atat na atat ka, ha. Gov, nagulat kami doon na ang Bicol Region, second to pinakakulelat in terms of vaccination. Ano ang nangyari? Bakit ganoon nandoon kayo sa second to the last?
CHIZ: Isa rin kasi kami, Doris, Alvin na binigyan ng bakuna mula nang nagsimula kayo diyan sa Maynila buwan ng Marso, ang nakakarating na bakuna rito hanggang buwan ng Hulyo o Setyembre pa, Siguro, 1,000 to 2,000 doses per week. Iyon lamang naman ang ipinadadala sa amin. Simula pa lamang, sinabi ko na ipinanukala ko pa nga sa DOH (Department of Health) at IATF (Inter-agency Task Force) dapat iyong ipapadalang bakuna by ratio proportion ng population ng isang probinsiya. Ang ginawa po nila, inuna nila ang NCR, CALABARZON, Davao, Cebu, Iloilo, Bacolod, iyong mas mayayamang mga siyudad at hinuli nila iyong mga lalawigan katulad ng sa amin na hindi naman nagkataon na isa mga pinakamahihirap na rehiyon ang kanilang hinuli rin.
Dahil mas kaunti daw iyong tao. Tapos, nagsimula dumating iyong mga bakuna naming, Doris, Alvin – mga 20 million – nagsimulang magdatingan nitong Oktubre. Nitong nakaraan linggo ang ipinadala sa amin ay 46 thousand doses ng Pfizer. Ang problema lang Doris, Alvin, iyong ipinadala sa amin last week walang kasamang syringe o iniksyon. Hindi naman sinabi sa amin kaya kailangan pa naming bumili at mag-purchase. Siyempre, may proseso naman iyan at hindi kami basta basta puwedeng kumuha ng syringe
DB: Susmaryosep.
CHIZ: Kung sinabi lamang nila na gano’n, e, ‘di sana, nagprepara kami. Pero, iyong mga nagdaang delivery meron naman. So, ang tanong ko kung tinigang ninyo kami sa bakuna noon tapos ngayon bigla ninyo kaming bubuhusan ng bakuna at hinuli ninyo kami sa lahat, biglang mamadaliin ninyo kaming tapusin ng Disyembre? Halos imposible naman yata iyon dahil pagtagpi-tagpiin mo man, mas maraming doctor, nurse at midwives sa NCR at mayayamang siyudad kumpara sa mga lalawigan na ‘di tulad nila. At tandaan ninyo, Doris, Alvin, kailangan pa namin i-maintain iyong mga hospital namin at kailangan pa naming tauhan. Hindi naman namin puwedeng isara ang hospital at lahat ng doctor at nurse palabasin namin para magbakuna.
DB: Tama, tama.
CHIZ: So, kailangan harapin namin, motion study nila iyan bago sila maglagay ng mga deadline na December 15 at tingnan sana nila iyong supply ng bakunang ibinigay nila sa amin sa napaikling panahon na mayroon kami kumpara sa panahon na ibinigay halimbawa sa ibang mga lugar. Kung nagsimula ang pagpapabakuna noong Marso. March, April, May, June, July, August, September, October walong buwan ang NCR bago nakarating sa 90%. Ang ibinibigay sa amin ay tatlong buwan lamang para marating iyong 70%.
AE: Naku. Hindi, nakakabahala iyong walang syringe.
DB: Kaya nga.
AE: Bakit naman gano’n? Akala ko isang complete set iyon?
CHIZ: Pati ako nabahala din noong nalaman ko noong isang araw iyon.
AE: Ano daw. Ano daw ang paliwanag daw? Bakit walang syringe?
CHIZ: Nahuli daw iyong procurement ng DOH Region V o ng DOH Central. Hindi ko pa alam iyong buong kuwento, Alvin, Doris.
DB: Teka, anong petsa daw iyan?
AE: Paano naman ituturok iyan kung walang karayom, ano ba?
DB: Kaya nga.
AE: Alangan namang laklakin iyan.
CHIZ: Susubukan namin mag procure pero ‘yung availability din naman ng mga syringe na iyun mula dito sa aming lalawigan o mula sa Bicol Region hindi ganoon din kasigurado. Inaalam pa lang naming, inalam namin kanina dahil weekend ‘yung dumaan. Nalaman namin na walang mga syringe na kasama ‘yung 46,800 doses noong Biyernes lamang. So, inaalam pa lang ng aming mga duktor kaninang umaga kung may makukuha nga ba at simulant na ‘yung proseso ng procurement.
DB: Bakit sa palagay niyo na na-delay kung na-delay nga ang sinasabi? Anong problema sa logistics? Bakit hindi nakarating agad? Bakit parang sa rehiyon mo ang talamak na hindi nakarating? Nakarating man kulang-kulang. Wala pa ngang heringilya. Bakit ganoon? Bakit po nagkaganoon Gov. Sa palagay niyo?
CHIZ: Doris, hindi pa natin alam kung nangyayari ‘yan sa ibang mga rehiyon at probinsiya. Pangalawa, kung titingnan mo ‘yung budget ng DOH ‘yung absorptive capacity naman talaga nila ay napakababa. ‘Di ba, noong nag-present sila sa Kongreso ang budget nila noong tiningnan kulang-kulang, 60% pa lamang ng budget nila nagagastos nila pag tapos na ‘yung taon. So, bahagi ng budget nila ang pag procure ng mga syringe para sa mga bakuna na in-import nila.
AE: So palagay ninyo, Governor Chiz hindi makatarungan kasi si Presidente mismo nagsabi, i-penalize niyo ‘yan ‘yung mababagal na LGU na ‘yan dapat siguro malaman ng presidente, “Mr. President, ang ipinadala pong bakuna po sa Bicol Region particularly sa Sorsogon wala pong heringilya. E papaano naman gagawin yun, walang heringilya?” Susmaryosep. Ang tanong ko kay Governor Chiz, makatarungan ba na nandiyan ang deadline at penalty ‘’pag hindi ninyo natapos ‘yan at hindi kayo nagmabilis sa pagturok niyan.
CHIZ: Number one Alvin, hindi dahil gaya ng sinabi ko ‘yung mas mayayamang siyudad at probinsiya binigyan nila ng walong buwan marating ‘yung herd immunity. ‘Yung mas mahihirap na probinsiya na kulang nga ‘yung tao, kulang ‘yung personnel, iyon pa ‘yung bibigyan nila ng mas maikling panahon. Kung sinunod lamang nila na nakabase sana sa ratio and proportion ‘yung ‘pag distribute ng bakuna at walang inuna, walang mahuhuli siguro sabay-sabay kami mas mahaba yung panahon namin magawa iyun.
Pangalawa, liwanagin din nila dahil ang pangunahing may responsibilidad na magturok ng bakuna ay ang LGU, mga munisipyo at siyudad. Ang mga probinsiya, nag a-allocate lamang ayon sa kautusan ng DOH at nagsusupplement. Nagdadadag lamang sa mga munisipyong kulang talaga ang pera at personnel at hindi naman talaga obligasyon ng lalawigan at gagawin ito sa dami mga lalawigan at munisipyo’t barangay na nasasakop ng probinsya. Kami pa nagmi-maintain ng hospital, Level 1 man o Level 2. So liwanagin nila ang kautusan nila kung ‘yan talaga ang gusto nilang gawin at tiyakin nila na wala rin silang pagkukulang. At tiyakin rin nila pantay din ang pagkakataon na binigay sa LGU bago sila magpataw sila ng anumang parusa.
Pero usually Alvin, Doris show cause lang naman ‘yan. Meaning, bakit hindi ka namin paparusahan, ipaliwanag mo kung bakit hindi. Ipapaliwanag naman at ibibigay namin ‘yung dahilan. Hindi naman ‘yan ang unang pagkakataon na merong ganyang mga kautusan. Mula sa National Government na pinapaliwanag naman ng mga LGUs.
DB: Go., bakit ang tanong ng iba bakit nung napansin mo nga sa NCR binuhos na ‘di ba so nagkakabakunahan na diyan, sa ibang rehiyon meron na rin. Sa inyo, walang dumadating, bakit hindi kayo agad humiyaw?
CHIZ: Humiyaw naman ako, humiyaw at humiyaw, Doris, kaya lang hindi ka papansinin kung local official ka mula sa malayong probinsya. Sumulat kami, nagpadala kami ng mensahe, nagsalita kami sa media sa abot ng makakaya naming. Subalit ika nga nila, mas madaling gisingin ‘yung, mas madaling gisingin ‘yung tulog kaysa sa nagtutulog-tulugan, mas madaling makarinig ‘yung bingi kaysa sa nagbibingi-bingihan.
AE: Hindi, partner. In fairness naman ‘yung strategy naman hayag naman ‘yan. Ang strategy is to prioritize Metro Manila. Kita mo naman 88 [percent] plus na tayo. So, ‘yun naman talaga. Now, this is the repercussions for prioritizing Metro Manila they just have to face it, pero dapat siguro kompleto naman, utang na loob, walang hiringgilya.
CHIZ: Dapat ‘din, Alvin, maging makatarungan sila sa panahong na bibigay ‘din nila. Ulitin ko, walong buwan ang Metro Manila bago narating ang porsyentahing ‘yan, ang binibigay sa amin matapos kameng bigyan ng sapat na bilang o doses ng bakuna ay humigit kumulang tatlong buwan lamang hanggang December 15. So, pagtabihin mo man ‘yon kahit kailan walang magsasabing makatarungan ‘yung comparison na ‘yun.
AE: I get it. Mataas ba ‘yung hesitancy d’yan? Vaccine hesitancy sa Sorsogon o marami namang willing?
CHIZ: Binisita kame ni Usec. (Jonathan) Malaya noong isang araw lamang at nakita n’ya ang sitwasyon firsthand na tiyak ako na ire-report n’ya ‘yon sa DILG at IATF. Sa Moderna, sa Pfizer, sa AstraZeneca walang problema, pumipila pa ang mga tao. Pero kapag Sinovac at Sinopharm nilalangaw ang aming bakunahan. Hindi na-correct ng National Government ‘yung impresyong nabigay sa Facebook man, sa TikTok man o sa Instagram kaugnay sa mga paninira sa Sinovac at Sinopharm.
Ako mismo Doris, Alvin, sinasabi ko ‘yan dito Sinovac ang tinurok sa akin. So, kung ako tinaggap ko ang Sinovac walang dahilan na walang ibang tumanggap ng Sinovac ‘din. Subalit naunahan na ng paninira, so, nahihirapan kami at ‘yun pa naman ang unang pinadala sa aming mga bakuna na marami, Dorris, Alvin. Ito first time magkaroon ng maraming Pfizer ang pinadala sa aming lalawigan wala nga lang syringe.
AE: Sige, sige. Anyway, ang sabi ko laklakin, nasabi ko na nga paulit-ulit na nga.
DB: Oo, parang gusto kong sabihin i-hashtag na natin ‘yan. Hashtag walang hiringgilya.
AE: ‘Pag ganyan siyang magsalita, naalala ko si FP. Spox ni FPJ dati. Sandali lang, Chiz, babalik pa kami dahil may question sa iyo from the live audience. Ipa-assist naputol kasi kanina perhaps you wanna say something sa National Government kasi may nag-text dito, actually Chiz. Ang sabi n’ya sa lakas mo ba naman sa national dati kang senador, wala ka bang connect sa Malacañang para man lang to lobby for your fair share of the vaccine?
Ewan ko, ano bang, ano ba ‘yan? Does it have something to do with, with partido? Baka hindi naman ka-partdio, ano ba ‘yan Governor Chiz?
CHIZ: Hindi naman siguro, Alvin. Pero kung sino man ‘yung nag-text, siguro kung dadaanan n’ya sa buhay n’ya ‘pag dati ka man basta hindi ka na, mag-iiba palagi ‘yun. ‘Yung bilang ng regalo tuwing Pasko kumu-kaunti,‘yung tumatawag kumu-kaunti, matagal ka ng sa gobyerno, ‘yung return ng call. Ganoon naman ang buhay.
‘Pag bumababa o nawawala sa puwesto at hindi isang bagay ‘yon para maging dahilan na pakikipagaway ako. Pero ginawa namin ‘yung trabaho namin kaya nga lang polisiya mismo kayo na ang nagsabi, Doris at Alvin, polisiya ng National Government na hindi ako sang-ayon na unahin ang NCR, ang CALABARZON at mga malalaking siyudad sa ating bansa bago ‘yung mas maliliit at mas mahihirap na probinsya. Para bagang mas matibay yung resistensya namin kumpara sa kanila. Hindi ko alam kung anong basehan nila.
DB: Correct, correct, correct. Bigyan mo lang kami ng sense Gov sa nangyayaring ganyan. Una, ang bagal hindi kayo nabigyan agad. Ayaw mo ‘yung ganoon na inuna ang ibang lugar. Binigyan kayo walang hiringgilya. Ano ang sense ng mga tao ninyo? Kayo ba ang nasisisi ngayon?
CHIZ: Hindi, Doris, dahil alam nilang programa ‘to ng National Government. Alam mo pa kung ano ang isang malungkot? Yung mga inuna nilang mayayamang siyudad at probinsya, sila pa ‘yung may kakayahang bumili ng sarili nilang mga bakuna. ‘Yung mahihirap at malalayong probinsya, kami pa ‘yung walang kakayahang bumili ng sarili naming bakuna at maliwanag na nakaasa lamang kami sa ibibigay sa aming alokasyon ng National Government.
Isang linggo, dalawang linggo pa lamang ako, Alvin at Doris, bilang gobernador naramdaman ko na kaagad ‘yung pagkakaiba ng pakiramdam, pagkakaiba ng pagtrato at gaya ng sinabi ko pagkakakulang ng atensyon bilang isang gobernador kumpara sa mga nagdaang posisyong hinawakan ko at gayundin bilang gobernador lalo pa ng isang maliit na probinsya. Hindi naman isa sa nagbibilang ng mga sikat, bantog, kilala at mayamang lalawigan.
AE: OK, ngayon may isang isyu na related actually sa bakuna and I suppose ‘yung Sorsogon marami din beneficiary ng 4Ps. I don’t know kung naabutan mo si Sec. Meynard Guevarra nagsabi na siya. Although may nagpo-propose “No Bakuna, No Ayuda” may konek ‘yan. Tignan mo naman sa Bicol kaunti pa lang ‘yung naayudahan. Ang daming 4Ps beneficiaries diyan. Paano ‘yon?
CHIZ: Mas rekta kong sasagutin, Alvin at Doris, bawal ‘yon nakasaad sa batas kung sino ang tamang benepisyaryo dapat makatanggap at walang kondisyon na nakadikit doon sa batas na nagbigay ng benepisyo ng 4Ps. Kung may nais gawin ang gobyerno, magbigay na lamang sila ng incentive o disincentive. Hindi tamang gawing mandatory dahil tatandaan natin emergency use authorization (EUA) pa lang ito. Hindi pa naman talaga kumpleto lahat ng trials sa lahat ng bakunang ginagamit natin ngayon. Hindi ‘yan tulad ng polio vaccine na dumanas sa masusing proseso na kumpleto ang clinical trials at puwede mo ng gawing mandatory. Ito ay EUA pa rin. Hanggang EUA ‘yan hindi puwedeng gawing mandatory at hindi tamang gawing mandatory.
Pangalawa, mas maganda pa imbes na gawing mandatory magbigay ng incentive o disincentive. Ano halimbawa ng disincentive, hindi ka makakasama sa raffle ng Christmas party ‘pag hindi ka bakunado. Ano ang halimbawa ng disincentive, hindi ka puwedeng pumasok sa mall o kumain sa restaurant. Ano example ng incentive, kung bakunado na lahat kayo sa bahay pwede ng umuwi kahit sinong miyembro ng pamilya mo na hindi na dumadaan sa quarantine at wala ng requirement na RT-PCR. Kung bakunado na ‘yung barangay, papayagan na namin ng mas malayang paggalaw ng mga miyembro ng barangay na ‘yon hindi pa rin ‘yung mga taga-labas para mas maganda at mas komportable ang buhay nila. Incentives and disincentives are the way to go ng making it mandatory.
DB: OK.
AE: But do you also see the point of government? ‘Pag hindi mo kasi ‘yan ginawang mandatory or walang ganyang patakaran hindi talaga tayo makaka-herd immunity dahil marami ngang naniniwala sa mga maling reports sa social media.
CHIZ: Trabahong tamad ‘yon Alvin para sa akin kasi may trabaho rin naman mas mahirap lang at mas mabigat. Kailangan mong kumbinsihin kung kailangan niyo mag-information caravan, kung kailangan niyo magbayad ng advertisement sa telebisyon, kung kailangan niyo mag-seed sa social media, sa galing ng mga trolls sa social media na nagbebenta ng mga hindi totoong balita. Ano ba naman ‘yung magbenta ng totoong balita mas madali naman sigurong gawin ‘yon. Mas madaling i-correct kaysa naman gawing mandatory na kuwestiyonable ang legal na basehan.
AE: Ikaw na talaga ang pang Miss Universe sumagot. Thank you Gov. Maraming salamat sa oras, long time no see.
DB: Teka lang, partner pwede kong balikan? Hindi ako maka-move on Gov. Hindi lang ako maka-move on doon sa bakuna na walang syringe.
AE: Bilasan mo 9:07 PM na.
DB: Doon sa, hindi lang ako maka-move on doon sa bakuna na walang syringe.
AE: Paulit-ulit?
DB: Hindi. Sino ang puwede ninyong balikan para gan’on kasi hayagang pambabastos ‘yon at ‘pag nalagay sa pagkadelikado ng mga tao. Ano ‘yon iinumin nila? Ano ‘yon mag-aabang sila ng mga bubuyog para merong kunin natin ano ng bubuyog?
AE: Bubuyog, hindi ba puwedeng scorpion?
DB: Hindi gusto ko bubuyog e. OK.
CHIZ: Doris, ang natutunan ko may kasabihan sa Ingles, ika nga, “beggars can’t be choosers.” Masama mang pakinggan ‘yon pero kapag isa kang maliit at mahirap na probinsya na umaasa lamang sa ibibigay ng National Government hindi mo naman afford na makipag-ayaw baka lalo kang hindi padalhan ng bakuna. Baka lalo kang hindi padalhan ng siringilya ‘di ba. Pero naniniwala naman ako na walang perpektong sistema minsan nagkakamali naman talaga, minsan may pagkukulang. Liwanagin ko, Doris, ito ang unang pagkakataon na nangyari sa amin ‘to pero kasabay ito ng kautusan din na magbibigay daw ng penalty d’on sa mga hindi nakakapagpabakuna ng gan’on karami.
Kung sana unawin din naman nila ‘yong sitwasyon on the ground ‘yong mga nangyayari na hindi naman perpekto ‘yong pagpapadala, hindi naman kumpleto at marami ‘yong pagpapadala at hindi rin kumpleto palagi. So bago sila manakot ng pagbibigay ng parusa sa hindi nakakapag-rollout ng vaccination tignan din naman nila ‘yong sarili nila ika nga manalamin din sila baka naman may pagkukulang din sila na pwedeng punuan dahil kami sinusubukan din naman naming manalamin at tignan baka may pagkukulang din kami.
Kaya ngayong araw na ito nagpalabas kami ng panibagong executive order na nagbibigay din ng mga kautusan sa mga LGUs kaugnay ng pagpapabakuna para mapabilis din ‘yung rollout namin. Wala naman kasing perpektong sistema lalo na kaugnay ng pandemya na wala namang may karanasan at wala naman eskwelahan kung ano ang dapat gawin kaugnay ng mga sitwasyong tulad nito.
AE: Chiz, pakiantay na lang daw ‘yong Pharmally baka mag-deliver ng siringilya. Pakiantay.
DB: Nandiyan na nga raw. ‘Di ba ang bilis ng Pharmally.
AE: Thank you. Gov, maraming salamat. Thank you. Pasensya sa abala
DB: Gov, maraming salamat at mag-ingat po kayo lagi.
CHIZ: Maraming salamat Doris, Alvin. Maging sa ating mga televiewers, magandang gabi sa inyo at mag-ingat din po kayo palagi. Keep safe.
AE: Bye. Governor Chiz Escudero ng Sorsogon.
DB: Bye.