SRO’S SINO SEN NIYO

 

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Salamat Doris, Alvin, kay Atty. Luke, kay G. RJ, kay Sec. Gibo, kay Ma’am Carmen, sa ating televiewers at tagasubaybay, magandang gabi po sa inyong lahat!

Ako po si Chiz Escudero, isang abogado. Nagturo bago tumakbo noong 1998 bilang mambabatas sa Kamara. Nanilbihan po ako dun ng siyam na taon. Matapos nun, tumakbo at nanilbihan bilang miyembro ng Senado ng dalawang termino o labing-dalawang taon. Kasalukuyan po akong gobernador ng lalawigan namin sa Sorsogon. At ang siguro ang puwede ko na lang masabi, ako’y isang ama, asawa sa aking minamahal, anak sa aking Nanay dahil pumanaw na ‘yung Tatay ko noong taong 2012, kaibigan, Bikolano at higit sa lahat, isang Pilipino.

DORIS BIGORNIA (DB): After po ng term niyo as senator, bumalik kayo sa local as governor of Sorsogon. Ano po ang nag-udyok sa inyo para bumalik muli sa national bilang senador after isang term lang as governor? Bakit ganoon po, Sir Chiz? Balik-balik lang po tayo, ganoon ba?

CHIZ: Dahil ano man ang gawin ko sa aming lalawigan at marami kaming nagawa sa aming lalawigan dahil sa pandemyang ito may hangganan na mararating ng aming mga kababayan at lalawigan. Sa laki ng problemang dulot ng pandemya, ika nga, dapat all hands-on deck. Dapat umangat ang bawat probinsya at buong bansa para may pagkakataon na umangat din ang aming probinsya at ang bawat Pilipino rin. Nais kong alukin – ‘yung aking sarili – na anumang talento, anumang karanasan para po tulungan ang ating bansa na muling bumangon at umangat.

ALVIN ELCHICO (AE): Kontento ka ba sa diskarte ng gobyerno para hindi makapasok ‘yung Omicron variant ng COVID-19?

CHIZ: Salamat, Alvin. Dumating na ‘yung hiringgilya. Hindi ako kontento sa ginagawa ng pamahalaan. Una, dahil simula pa lang, ang sabi na ng DOH at ni Sec. (Francisco) Duque, hindi natin mapipigilan ito and it’s a matter of time. Kung simula pa lang sumusuko na at tingin nila hindi nila kayang pigilan papasukin ito, at talagang asahan natin makakapasok ‘yan dito. Pangalawa, kulang ang kakayahan, eksperto at makina sa buong bansa para i-test talaga ‘yung mga kaso ng COVID-19 kung anong variant na nga ba ‘yan. Sa pagkakaalam ko, dalawa lamang ang makina, eksperto na umaalam sa bagay na ‘yan. Pangatlo, tulad ng sinabi ni Sec. Gibo, wala namang paaralan o kursong nagtuturo para sabihin kung anong dapat gawin sa isang pandemyang tulad nito. Para sa akin, hindi dapat pag-awayan o pagdebatehan ito. Mas importante sa isang pandemya, pagtulungan at pagkakaisa.

DB: Sir Chiz, baka naman naroroon ‘yung mga hiringgilya. Stop or go po kayo sa pagtugis or pag-imbestiga sa Pharmally?

CHIZ: Salamat, Doris. Go. Dapat ituloy yan dahil bahagi ng trabaho at proseso ng Senado ‘yan, ang mag-ibestiga ng tinatawag nating misfeasance, malfeasance or nonfeasance in office. Trabaho talaga ng Blue Ribbon Committee ‘yan ng Senado. At importanteng malaman ang puno’t dulo nito dahil sa isang pandemya, ang pinaka-ayaw nating makita, mangyari o gawin, pagsamantalahan ang pondo ng pamahalaan o mandambong kaugnay sa pera sana na mapupunta sa pinakanangangailangan at apektado ng pandemyang ito. Sa totoo lang, kung hindi lamang ‘yan at kung may iba pa silang makikita kaugnay halimbawa ng pagbilli ng bakuna na hanggang ngayon pinagmamatigasan parin ng gobyerno na NDA o Non-Disclosure Agreement ng maliliwanag naman na hindi ‘yan aplikable kapag ka pondo ng pamahalaan, pondo ng taong bayan ang ginagamit.

AE: Chiz, ano pong mas gusto mo na i-legalize ‘yung same-sex marriage o ‘yung same-sex civil union?

CHIZ: Pabor ako sa parehong ‘yun, Alvin. Naniniwala ako na hindi naman puwedeng idikta ng iisang relihiyon lamang dahil maraming mga relihiyon na kinabibilangan ang bawat Pilipino. At dapat galangin natin kung anuman ang paniniwala nila. Kaya nga, ika nga, may separation of church and state. Bagaman mayorya ng mga Pilipino nabibilang sa isang relihiyon, hindi dapat ito limitado sa mga pananaw lamang nila – gaano man kakaunti, gaano man kaliit. Dahil ang paniniwala ko, ang pangbatas at Saligang-Batas, inimbento ‘yan para protektahan ang minoriya. ‘Yung kakaunti at hindi kakayang ipagtanggol at protektahan ang kanilang sarili. Dapat lang pag-aralan natin at suriin kung ito ba’y napapanahon ngayon. Dahil tulad ng sinabi ko kanina, sa isang pandemya at panahon ng pandemya ang importante magkaisa, magtulungan. Hindi maghanap na naman ng panibagong issue na puwedeng nating paghiwahiwalayan o pag-awayan.

AE: Anong posisyon mo diyan? Kaya mo bang i-commit ngayon pa lang Governor Chiz ‘pag naupo ka sa Senado ulit, you will file a proposed bill, panukalang batas? Parang once and for all meron na tayong batas against political dynasty.

CHIZ: Alvin, sa Kongreso pa lamang hinarap ko na ‘yang issue na ‘yan at panukalang batas na ‘yan, ngayon din sa Senado. Ako’y bahagi ng isang dinastiya ano mang depinisyon ang gamitin ‘yan dahil wala pa naman depinisyon ‘yan sa batas. Kaya ang posisyon ko noon pa lang sa Kamara at sa Senado dahil conflict of interest ‘yan. Puwede akong mapaburan, puwede akong hindi mapaburan. Hindi ako makikilahok sa anumang uri na debate, kaugnay ‘yan.

Subalit kung kailangan ng boto ko para maipasa ‘yan ang boto ko pabor diyan, pero ayaw ko makilahok dahil ikanga maliwanag na may conflict of interest ako dahil galing ako dun. Dating Kongresista bago ako tumakbo ang ama ko. Bagaman walang ibang apelyidong Escudero ang tumakbo bilang Senador.

But having said that, sa dulo, tao parin naman ang nagdedesisyon kung sinong mananalo at sinong hindi. Anak man ng magkapatid o magkaaway, tao pa rin sa dulo ang magdedesisyon sa huli. Paano kung ang tumatakbo’y kaaway ng gustong tumakbo at hindi naman sila parang sindikato na nagkakaisa at uubusin ang lahat ng puwesto ng probinsya? Paano na kung ang gusto ng tao ay ‘yung hindi pinapatakbo? Kailangan tingnan din ‘yan at pag-aralan ng mga nagsusunod niyan.

DB: Trabaho, trabaho, trabaho. Anong plano mo?

CHIZ: Bilang mambabatas o miyembro ng Senado dati man o bibigyan ang pagkakataon, ang pinapasa naming ay batas. Kung puwede ko lang isabatas, Doris, na lahat ng naghahanap ng trabaho ay mabibigyan ng trabaho, matagal na sana isinabatas ‘yan. Pero ang trabaho ng Senado, magpasa ng batas. Ang magbibigay daan dito gamit ang taunang budget o general appropriation. Dapat magsilbing recovery budget ‘yan para manumbalik ang trabaho, magbukas muli ang ekonomiya, at gumulong uli ang ating ekonomiya.

Sa pamamagitan halimbawa ‘Build, Build, Build’ Program ang isang pagkakataon dun nagbibigay ito ng trabaho lalo na kung na sa panawid ng taniman. Pangalawa, ang pagbibigay ng ayuda sa small at medium scale enterprises kung sa gayun may pangsweldo sila, hindi para ibulsa ang may-ari, may pang-suweldo sa empleyado bagaman lugi para sa ngayon patuloy magkaroon ng trabaho at pagbumilis na ‘yung ekonomiya ay nandoon pa rin ‘yung kanilang trabahador at may sweldo’t kita parin yung ordinaryo na trabahante.

Pangatlo, higit sa lahat marapat ipatas ‘yung budget sa bawat lalawigan ng bansa. Hindi nakakatutok lamang palagi sa Metro Manila, CALABARZON, Cebu, Davao, Iloilo, Bacolod. Dapat maiwagas ‘yan sa ibang parte ng bansa upang pantay na umangat, pantay umangat ang ating ekonomiya at pantay makabigay ng pagkakataong makanegosyo at mag-empleyo ng bawat Pilipino.

PROFESSOR CLARITA CARLOS (CC): If the quad which is composed of US, Japan, Australia and India were to morph into a defense alliance and the Philippines were to be invited to be part of the quad. You as a senator, what will your vote be?

CHIZ: Depende po sa nilalaman ng tratado dahil dapat sagutin ng nilalaman ng tratado ano bang benepisyo, ano bang pakinabang, ano bang mapapala ng ating bansa sa tratadong ‘yan. Ano ang obligasyon, may bayarin ba? May dapat ba tayong pasukan, porke’t pinasukan ng isa. So depende sa ilalaman ng tratadong ‘yan bago ko sabihing susuporta o hindi.

Pero ang mga bansang binanggit ni Prof. Carlos ay mga bansang kaibigan ng ating bansa, so walang pasubaling dapat makipag-usap tayo sa kanila kaugnay sa posibleng tratadong papasukan natin. Depende na lang po sa nilalaman ng probisyon ng tratadong ‘yan kaugnay sa obligasyon at benepisyo sa ating bansa. Dahil tulad ng sinabi ni Atty. Luke, dapat meron tayong independent foreign policy na nakatuwang sa mas nakakataas na interest ng bansa at mga kababayan natin at hindi interest ng mga makapangyarihang bansa.

CC: For several years now, Russia has been indicating to us it’s interest to train and to exercise with our Armed Forces. As a matter of fact, it has designated a defense attaché here which is not done before. As a senator, are you going to sign a status of forces agreement with Russia?

CHIZ: Ang status of forces agreement ay pamagat o titulo lamang. So ang sagot ko, ang suporta ko ay magdedepende parin sa probisyon o nilalaman ng panukalang tratadong ‘yan. Pero sa prinsipyo o bilang isang prinsipyo, hindi dapat ang Amerika lamang ang may monopoliya ng mga tratadong may kaugnayan sa ating militar or Armed Forces of the Philippines at ‘yun lamang ang parang palagi nating tinatakbuhan.

Marapat maging bukas at malawak ang perspektiba ng ating bansa kaugnay sa tulong na puwedeng ibigay o pakikipagtulungan sa ibang bansa. Basta’t pag sinukat natin at tinimbang ang obligasyon natin sa tratadong yan compara sa benepisyong mapapala natin sa tratadong ‘yan, dapat malayong mas mabigat ang benepisyo at mapapala natin kaysa ‘yung kukunin o hihingin sa atin at dapat ibigay natin sa kanila. Pero bilang isang prisipyo, naniniwala akong hindi limitado lamang sa Estados Unidos ang mga tratadong kaugnay ng ating militar ang dapat pasukan ng ating bansa. So bukas ang kaisipan ko sa bagay na yan.

DB: Paano niyo po tutuguran ang kawalang ng makakain, trabaho at kalusugan sa panahon ngayon? Dapat po ay mabilis talagang pakikinabangan ng totoong naghihirap. Kasi puro tayo adhikain pero wala tayong talagang konstraktibong paraan.

CHIZ: Una, gamitin ang Senado para makapasa ng panukalang batas ng maglaan ng pondo sa mga pangangailangang nabanggit mo, Doris. Pangalawa, tiyakin na sa pagpapatupad nito maisakatuparan ang intensyon ng Kongreso o ng Senado man upang ngayon na ang perang binigay ay magastos talaga. Sa ngayon, ang unahing problema ng pamahalaang ito, napakababa ng absorptive capacity, lalong-lalo na ng mga frontline agencies natin kabilang na ang DOH, kabilang na ang DSWD at DOTr. May pondo nga sana, may budget nga sana, may pera nga sana, hindi naman napapatupad ng husto, ng tama at mabilis dahil sa red tape. Bahagi ng trabaho ng Senado, ng Kongreso man maliban sa pagpasa ng batas, pagtiyak ng ito’y mapapatupad na naaayon sa intensyon ng mga mambabatas na nagpasa nito. Sa napakalaking budget na nilaan, sa napakalaking pera na inutang ng pamahalaan, ang problema hindi po nakakarating at napapatupad ng maayos para maramdaman ng pinaka-nangangailangan nating mga kababayan.

AE: Nasa senatorial line-up po kayo nina VP Leni (Robredo), Sen. (Manny) Pacquiao at Sen. (Ping) Lacson. Sinong presidente po ang susuportahan ninyo?

CHIZ: Opo, totoo ‘yon. Subalit ang partidong kinabibilangan ko ang Nationalist People’s Coalition (NPC) ay wala pa pong ini-endorsong pangulo o ikalawang pangulo. Bagaman tumatakbo si Senate President Sotto na miyembro ng NPC din para sa pagka-ikalawang pangulo. Aantayin ko po na magpasya ang partido dahil bahagi ng pasya ng partido ay pag-endorso ng candidato o hayaan ang kada miyembro magpasya kung sino ang susuportahan nila.

Pangalawa, porke’t nakapagdesisyon na ang ibang tao, hindi naman dapat pilitin magdesisyon ang ibang tao na nag-iisip o nagngilay-ngilay pa dahil sa totoo lang, wala pa namang gaanong platapormang nilalabas ang sinumang tumatakbo sa pangulo sa ngayon. Sagot lamang sa mga tanong. Sagot lamang sa mga binabatong question ang kanilang sinasabi at hindi pa naman paglalahat ng plataporma kaugnay ng gagawin nila kung sila ang bibigyan tiwala ng mas marami nating kababayang manilbihan bilang pangulo natin.

DB: Sir Chiz, iboboto mo raw ba si President Duterte bilang senador?

CHIZ: Ma’am, kaya nga po secret ballot ang halalan. Hindi po inaanunsyo dapat sana ‘yan. Pero bilang sagot sa inyong tanong, bago siya iboto nais kong marinig mula sa kanya, sa kanyang pagtakbo bilang senador, papayagan ba niyang gawin ang nakaupong presidente, sinuman ang mananalo, ang ginawa ng kasalukuyang nakaupong presidente sa mga senador na hindi pinapunta ‘yung kanyang mga gabinete, hindi pinagsalita at pinapatigil ang anumang imbestigasyon ng Senado. Depende siguro sa tugon niya sa katanungan ‘yan magdedepende rin kung ako’y boboto sa kanyo o hindi.

DB: Anong skill na meron ka na puwedeng pang talent portion?

CHIZ: Magpatawa.

DB: Paano ka nanligaw sa misis mo? Romantic ka ba?

CHIZ: Hindi. Paano ako nanligaw sa kanya? Binuhusan at binigyan ko ng oras habang hindi pini-presume na magkakagusto sya sa akin. Siguro lahat ng nanligaw sa kanya pinakita na may gusto sa kanya at; ‘yun ang naiba.

DB: Anong hilig mo na gawin noong bata ka pa?

CHIZ: Mag-holen.

DORIS: Anong paborito mong kanta? At sample, anong chorus niyan?

CHIZ: ‘Ikaw ang Aking Mahal’. Kung kaya kong kumanta, Doris ‘yun na sana ‘yung talentong sinabi ko kanina at hindi magpatawa.

DB: Lulubog ‘yung barko, sino sa mga kasama mong guest ngayon ang isasalba mo?

CHIZ: Maliban sa sarili ko, Doris?

DB: Opo.

CHIZ: Well, ang kaibigan ko at nakasama ko at kakilala ko, si Sec. Teodoro. Paumanhin at hindi ko kayo isasalba. Babalikan ko po kayo.

AE:  Puntahan natin Gov. Chiz Escudero, talk to the people, Chiz, one minute go.

CHIZ: Muli po akong humaharap sa dambana ng balota upang ialay anumang talento, galing o karanasan ko sa national o lokal man na pamahalaan sa muling pagbangon ng ating bansa at ekonomiya sa ligtas na pamamaraan at habang pinapanatili ang kalusugan ng ating mga mamamayan. Layunin ko to upang sa gayon makaambag dahil gaya ng sabi ko kanina, all hands-on deck dapat at hindi ko matatanggap sa aking sarili ni hindi man lamang inialay ito sa panahong ito para makatulong sa ating bansa at sa ating mga kababayan ngayon.

Nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga kapwa ko kandidato sa gabing ito. Naging karangalan para sa akin na makasama at makapiling kayo. Gayundin ang mga impormasyon at aral na nakuha at napulot ko sa gabing ito. At nais kong batiin ang ating televiewers at listeners, maligayang Pasko po sa inyo. At sana mas maging maganda at maayos ang susunod na taon.