THE CHIEFS

 

ROBY ALAMPAY (RA):  Let’s begin tonight with Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero who is seeking a return in the Senate in 2022 under the Nacionalist People’s Coalition.  Governor, Senator, good evening!  Mr. Escudero.

ANA MARIE PAMINTUAN (AMP):  Good evening, Governor.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ):  Magandang gabi sa iyo, Roby.  Magandang gabi sa iyo, Ed.  Ma’am Amy, magandang gabi.  Long time no see.  At sa ating mga televiewers, magandang gabi sa inyong lahat, good evening.

RA: Sir, mamaya pag-usapan natin ‘yung takbo niyo sa Senado pero sumabak na kayo dito sa kaguluhan na ito.  Ano bang abiso niyo?  ‘Di ba I won’t ask, I won’t ask kung ligal obviously illegal ang vote-buying pero Manny Pacquiao is handling out one thousand pesos in cash kaliwa’t kanan and then ‘yung sinabi ni Vice President Robredo hindi naman bago ‘yun.  Even Catholic Bishops would say that before, ‘di ba?  Kung bigyan ka ng pera; tanggapin mo basta bumuto ka sa konsensya niyo.  Kayo ho ba ano ang abiso niyo na inalok ako ng pera? Ano tanggapin ko ba?

CHIZ:  May mga nakalabaan na ako noon sa pagtakbo ko sa aming lalawigan na nagbibigay ng pera ang pinaka-epektibong panlaban doon pinapahuli ko.  ‘Pag may nasampolan takot na lahat karamihan gumawa o gumalaw.  Pangalawa, sinasabi ni Vice President Robredo iyon ang madalas na sinasabi natin sa eleksyon sa barangay kung may tumatakbong mayor pero pag national na talaga ang scope mabibigyan talaga ng iba’t ibang interprestasyon kaya kailangan niyang ipaliwanag pa iyon.  ‘Yung ginagawa ni Senator Pacquiao, tulad ng sinabi ni Atty. James Jimenez, hindi pa saklaw ‘yun ng election period dahil magsisimula ang election period sa Enero pa lang yata.  So wala siyang nakikitang mali ayon kay Atty. James Jimenez mismo ng COMELEC (Commission on Elections).

RA:  Wala pang nakikitang iligal, ‘di ba? To make clear I me –

CHIZ:  Tama ka, Roby.  Tama ka.  I stand corrected.

RA:  Let me ask you to put on your lawyer’s hat as well.  To clarify with everyone, does that mean na essentially there is no such thing as early campaigning?

CHIZ:  Technically, you are correct Roby dahil hindi pa naman nagsisimula ang election period hindi ka pa puwedeng parusahan kung anumang paglabag sa lumang Election Code o election laws natin dahil hindi pa bawal iyun.  Noong simula mas madali iyon dahil ‘yung last day of filing ‘yun din ang simula ng kampanyahan.  Medyo naguluhan din ang marami dahil ‘yun ang filing ilang buwan nagsimula ang kampanya.

If you remember Ma’am Amy, Roby, Ed noon ‘yung last day of filing kinaumagahan kampanya ka na.  So pag-file mo kandidato ka na lahat ng bawal aplikable na sa iyo.  Ngayon dadaan pa ‘yun ang Nobyembre, dadaan pa ang Disyembre bago ‘yung pagbabawal, mag-aapply sa iyo.  But the general rules still apply kung mamimigay ka ng t-shirt bawal mo lagyan ang salitang vote.

Kung maglalagay ka ng billboard ‘wag mo ilagay yung salitang vote.  Lahat ‘yung nakikita niyong billboard sa EDSA, sa South Expressway, sa North Expressway lahat ‘yun bawal na pagdating ng January.   Maliban na lang kung gagamitin at ilalagay ‘yun sa poster sa headquarters o HQ ng sinumang kandidato.

Kaya kung mapapansin mo Roby, Ed, Ma’am Amy karamihan ng mga kandidato sa pagkapangulo o senador naglalagay ng headquarters sa EDSA ‘yung pinaka-busy na kalye sa Metro Manila dahil isang excuse ‘yun na maglagay ng billboard na isang major thoroughfare sa ating bansa.

ED LINGAO (EL):  Sir, klaro naman na wala pang violation at this point.  Wala pang election offense dahil wala pa ‘yung election period o ‘yung campaign period.  That is clear pero let me ask you this, not as a lawyer but as voter, as a Filipino taxpayer, as a Filipino citizen how does strike you na all the candidates are already obviously campaigning and you also have candidates who are handing out money.  I know it’s not illegal pero where does it lead us? How should we do this in other words?

CHIZ:  Para sa akin, I’ll wear my hat as a political science student, lahat ng ginagawa nila masyado pa ring maaga.  Magsisimulang seryoso pag-isipan ng ating mga kababayan kung sino ba talaga ang iboboto nila lalo na sa pagkapangulo pagkatapos ng bagong taon.  Kaya kung makikita mo karamihan ng nagdaang eleksyon malayo ang survey bago ang Pasko.  At ang starting gun, ika nga, ng anumang halalan sa ating bansa, magsisimula ‘yan sa survey na ilalabas bandang Pebrero na yung field work ay nasa bandang Enero dahil pagnatapos New Year’t Pasko medyo dinidibdib natin o sineseryoso na ng ating mga kababayan ‘yung kanilang magiging pasya kaugnay sa darating na Mayo.

AMP:  Pero Governor, you will concede na may gray area siya.  Unang-una, may Supreme Court ruling na effectively sa ie-endorse there’s no such thing as a premature campaigning.  Ngayon on the part of voters lalo ngayon magpa-Pasko it’s a gift-giving time.  I remember sa Manila Archbishop Cardinal Sin famously said kung ano tanggapin niyo ‘yung binibigay but vote. Well, that’s what exactly VP Leni said.  Vote according to your conscience.  Papaano ‘yun pagdating ng Pasko nagbigayan wala namang sinasabing iboto niyo ako regalo ko lang ‘yan sa inyo.   Ano yung attitude niyo sa ganoon?  It makes a campaign very expensive.

CHIZ:  Ma’am, it makes it expensive kapag hindi ka nakapuwesto.  Pero ‘pag nakapuwesto karamihan ng mga mayors. Halimbawa, sa Metro Manila o sa labas ng Metro Manila mamimigay palagi ‘yan ng pamasko.  Hindi ba’t chargeable ‘yan sa LGU.  Pero bahagi ng ayuda dahil may kalamidad bahagi raw ng serbisyo nila ‘yun.  Minsan nakalagay ‘yung pangalan; minsan hindi pero alam naman ng tao kung saan talaga galing ‘yun.

At the end of the day, my assumption is always been never underestimate the voter.  Kung ang binigay mo ay galing sa munisipyo alam ng tao yun at hindi niya gagamitin ‘yung rason para iboto ka dahil nagbigay ka lang.  Baka gamitin niyang rason yun dahil baka nanalo ka ulit magbibigay ka ulit.  Bilang mayor, bilang governor, bilang local official but the last thing any candidate should assume is that the voters are not wise enough to decide whether they use as a basis kakilala ko, kamag-anak ko, natulungan ako, may vision sa country, maganda ‘yung plataporma.

It’s the freedom of each of every voter to choose the basis who to vote for in the coming elections.  And it’s not for me, for you especially me as a candidate to underestimate the voter and say he doesn’t know what he is doing.  The voter does know what he or she is doing. It’s just that they have different reasons for voting for a particular candidate.

RA: OK, Senator. Nabanggit niyo naman, you as a candidate. Let’s go to your run for the Senate now. I’m just curious. I’ve seen politicians going the other way trying the legislature and saying doon na lang ako sa amin executive pa ako doon. We get to implement on our own. Hawak namin ang budget namin and I can do more. Kayo from the Senate you go back to Sorsogon, you’re governor, you have that position. What do you miss from the Senate and what’s the difference?

CHIZ: The basic difference Roby is, una sabi mo, may sariling kaharian, essentially. ‘Yung sinabi mo, sa totoo, lang hindi. Natutunan ko ‘yon ngayon. Alam mo ba na ang budget ng lahat ng LGU, barangay man, munisipyo o probinsya, kailangan aprubahan ng DBM (Department of Budget and Management). Kung may iki-create kang item, kailangan aprubahan ng Civil Service Commission (CSC). At kung may nais kang gawin, kailangan aprubahan ng DILG (Department of Interior and Local Government). Hindi ko nakikitang totoo bilang gobernador ngayon yung tinatawag nilang diborsyo at kalayaan ng mga LGU.

Pangalawa at ang pangunahing rason, anumang gawin ko sa aming lalawigan kung gaano man kaganda, gaano man kaayos ang aming lalawigan – dahil may pandemya tayo ngayon –  hindi sapat ‘yung aming lalawigan na umangat lamang. Kailangan umangat ‘yung iba’t ibang lalawigan at ‘yung buong bansa para makasabay sa pag-angat ang aming lalawigan. At sa tingin ko, sa laki ng problema rin, bawat sinong may karanasan man, galing, talino o talento, iambag niya, alukin niya para magamit ng buong bansa dahil para – bilang gobernador ngayon at anumang lalawigan ang tingin ko.

Hindi aangat ang aming lalawigan kung hindi sabay-sabay umangat ang bawat lalawigan ng ating bansa o ang buong Pilipinas. Hindi kakayanin na kami lang ang maayos, kami lang ang masinop, kami lang ang malinis. Dapat ‘yung buong bansa ay ganoon din para sabay-sabay umangat ‘yung buong bansa.

EL: Sir, it’s good that you talk about the issue of devolution kasi – well tell me if I got you right. Your quote to the saying na you want legislation strengthening LGUs who’s devolved powers under the law in this pandemic have been greatly undermined by decisions everything by national government. Pero on the other hand Sir, on the other hand, we had some guests who have said na there’s been too much devolution to the LGUs and that supposedly impacted ‘yung ability to respond to the crisis. For example, ‘yung some aspects of the DOH (Department of Health) ‘yung health services were devolved to the LGUs that among other things. May ganoong comment from some people, from some sectors. How do you resolve that po?

CHIZ: Ed, when I was – before I enter politics, I was teaching at the UP College of Law particularly the local government. Ang problema ko, wala sa batas ‘yon. Lumabas itong mga regulasyon na binabanggit ko ‘yung dapat i-review, ‘yung dapat aprubahan sa mga memorandum at circular na pinapalabas ng DILG, ng DOH, ng DBM at hindi naman ‘yon nakasulat sa local government quote na in a way naging parte na rin ng batas dahil kasama siya sa implementing rules. Tama ka kaugnay ng DOH. Pero sa totoo lang Ed, bagaman devolve ang health tulad ng agriculture sa ilalim ng Local Government Code.

Ang health department o DOH ay mayroon tayong tinatawag na “retain diseases”. Kabilang sa retain diseases ng DOH ay walo ‘yon, ‘yung mga TB, AIDS. Ngayon kasama sa walo ang pandemya or isang sakit tulad nito na bagaman hindi binanggit at hindi spinecify, isang pandemya of national proportion retained disease ‘yon. Hind ‘yan dinevolve sa mga LGU kaya lahat ng galaw ng LGU ‘yang pagbabakuna, ‘yung requirements sa quarantining, ‘yung requirements sa pag RT-PCR kung gagamitin ba ang swab antigen o hindi, lahat ‘yan ang sinusunod ng LGU ay ang mga panuntunan mula sa DOH.

Pero ang binabanggit ko, halimbawa, iilan ang local government unit? Bakit kailangan aprubahan ng DBM, ng DILG ‘yung pag-appropriate ng LGU ng IRA na para naman talaga sa LGU? Ngayon kung assistance ‘yan o subsidy ‘yan galing sa National Hovernment, diktahan nila maglagay sila ng menu. Sabihin nila kung saan lang puwede. Pero kung IRA ‘yan ng local government unit, the local government unit must be free to decide what they want to do with it. Malayong mas alam ng isang mayor o governor kung anong kailangan at kung anong dapat gawin sa kanyang lugar kaysa sinumang secretary gaano man siya kagaling na nakaupo lamang sa loob ng opisina niya sa Metro Manila na hindi man lang tumatayo o dumudungo minsan sa bintana niya para makita yung kalagayan namin mula sa malalayong lugar.

AMP: Governor, nabanggit niyo ‘yung IRA. We talked to some of the presidential candidates sabi nila, inaalala raw nila yung pag-uumpisa nung Mandanas ruling next year which will make actually local government executives more powerful. Mas malaki raw ang pondo niyo. Ngayon sinasabi niyo na mukhang hindi yata ganoon ang kalalabasan. Ganoon ba ‘yon?

CHIZ: Yes, Ma’am and let me add to it. Ma’am Amy kung babasahin mo ‘yung devolution order ni Pangulong Duterte at inisa-isa ko ‘yon sa National Budget ng 2021 dahil line item naman ng budget. Ang kabuuang dini-devolve nila sa LGU ang halaga ay humigit-kumulang Php1.3-T. Samantalang ang dagdag na IRA na bigay ng Mandanas ay Php655-B lamang. In other words, they devolve double the amount of what they will be giving LGUs. ‘Yon pa lang kukulangin pa rin palagi ‘yung pondo ng LGU.

Pangalawa Ma’am Amy, mas malaking problema nito ay ito. Ang IRA ay kino-compute palagi sa alam niyo naman 3 years before ng internal revenue ng pamahalaan. So pagdating ng 2023 nakabase ‘yan sa internal revenue ng gobyerno noong taong 2020 na alam naman natin bumagsak yung ekonomiya ng 15%. Mula 9% GDP – mula 5% GDP bumaba ng minus 9, so 15% na agad yung binaba ng GDP natin. Ano pa kaya ‘yung revenue, mas bumaba pa ‘yon.

So mula ‘nung paakyatin ka dahil sa Mandanas sa taong 2022 ng mga humigit kumulang 30%, pagdating ng 2023 sasadsad ang IRA ng mga local government units nang hindi bababa sa 15 hanggang 23% ayon sa ibang pag-aaral ng NEDA. So, ang magiging problema ng LGU at ng susunod na presidente ang paano n’ya tutugunan ‘yung pangangailangan ng mga LGU ‘don.

Pinasa na ng devolution executive order ni Pangulong Duterte ang napakaraming functions, babawiin ba uli ‘yon? ‘Pag baba ng IRA? Medyo mahabang proseso ang ginugol ng LGU at ng National Government para ‘lang pag-usapan ‘yung devolution. Ano pa kaya ‘yung pagbawi muli? Makakautang pa ba ang National Government para punuan ‘yung pagkukulang sa IRA. Tini-training na ba ‘yung mga local government units ng DILG, BLGF (Bureau of Local Government Finance), ng DBM? Para sabihan sila na ‘wag niyong gagastusin ‘yung dagdag na IRA sa recurring expenditure tulad ng pag-create ng permanenteng item dahil baka pagdating ng 2023 wala na kayong pang-sweldo sa mga empleyado n’yong permanente.

Ito at ilang mga bagay ang dapat pinag-iisipan at pinaghahandaan ng sinumang tumatakbo bilang pangulo, dahil pagupo n’yan tapos na ang budget call. June 30 s’ya uupo, isu-submit ang budget in less than two months paano s’ya maghahanap ng mahigit kumulang Php600-B sa National Budget na hinanda na buwan bago pa s’ya naupo para punuhan ‘yung pagkukulang sa IRA ng LGU na mararamdaman mula 2022 patungong 2023. Sorry po ‘kung medyo mahaba kasi ‘yun ‘yung iniisip at pinoproblema’t hinahanapan naming ng paraan sa ngayon.

AMP: Kung mababalik po kayo sa Senate, are you planning to introduce amendments para maayos ‘yung mga ganyang bagay?

CHIZ: Yes, Ma’am. Pinaliwanag ko na ‘yun na isa ‘yun sa pagtutuunan ko ng pansin upang hindi ‘rin naman masayang. Anumang natutunan o aral na napulot ko bilang local chief executive, bilang gobernador ng aming lalawigan na ‘may Viber group kami ng mga gobernador ang gan’tong sentimyento ay parehas sa maraming hobernador kung hindi man lahat ng gobernador kaugnay sa mga problemang kinakaharap ng mga local government units.

RA: Governor, shift tayo pulitika naman tayo. I think you’re, if I’m not mistaken, you’re one of around five senatorial candidates na as I always say, dalawa na lang, bibingo na kayo. ‘You’re on the guest candidate on the at least three candidates for President. Where does that place you? How do you position yourself when it comes to people looking to all candidates especially the Senate candidate, sinong i-endorso n’yo? Sino susuportahan n’yo?

CHIZ: Miyembro ako tulad nang sinabi mo, Roby kanina ng NPC (Nationalist People’s Coalition). Ang NPC at wala pang pasya kung sino ang susuportahan sa pagka-pangulo at wala namang kumakandidatong NPC sa pagka-pangulo. Wala pang pagpupulong kaugnay kung sino ang i-endorse, pero ang pag-desisyon ng NPC, Roby by tradition or historically. Minsan nag e-endorse ng presidential candidate, minsan dahil bihira naman kami magkaroon ng kandidato sa totoo lang mula nung kay Ambassador Cojuangco wala pa namang sinulong na presidential candidate ang NPC. So, from endorsing a particular candidate as a party to letting each member decide who they want to support. Dalawa ‘yung pinagpipilian ng partido dahil wala namang kandidatong sarili ang NPC. Pero usually, Roby nag-dedesisyon ang partido mga bandang Marso o mga bandang Pebrero ang pinaka-maaga yatang pag-pasya ng partido historically ay bandang Pebrero.

AMP: Pero hindi ba mas malakas ‘yung kabig ng Chairman n’yo who is running as the running mate of Senator Panfilo Lacson?

CHIZ: Well, that is correct, Ma’am Amy. Senate President Sotto is the President of the party, but to my knowledge, although I am not part of the national secretariat because I’m a local official. To my knowledge the party has not yet made official its endorsement of Senate President Sotto. Although I think it will come to that, but it has not yet made official or made known to me to be official by the party.

EL: Pero Sir, ‘dun sa, well some of the feedbacks dun sa pagiging guest candidate ng ilan sa inyo. Sa tatlong partido hindi masyado maganda ‘yung feedback ng iba. For example, si former Commissioner Rene Sarmiento saying it’s bad for voters, the Ateneo Policy Center was saying it’s an indication of how bad the political parties’ system is, what are your thoughts on this?

CHIZ: Well, Ateneo is probably correct, Ed, because quite frankly I don’t know what distinguishes one party from another. Right now, we’re seeing what distinguishes one candidate from another, but if you speak of party distinction, the party platforms of all the existing political parties if you put it side-by-side. They will almost be alike or very similar, but having said that, if you look at the history of our elections too, rarely, if at all do people vote as a slate, people decide individually based on each candidate.

In fact, historically, except for the victory of, or supposed victory if I may add, of former President Arroyo and former Vice President De Castro wala ‘pang bumotong tandem na nanalo, in recent history hindi pa nangyayari ‘yon. I said supposedly because there was a question with respect to that elections. Pero hindi naman bumoboto ang tao, minsan lang nagkaroon tayo ng semi-block voting ‘nong 1986 Snap Elections pero hindi na naulit uli. If you look at it, people decide based on the candidates themselves individually and not really because they belong to a particular party. Probably because, as I said, the Ateneo is correct that if you look at the party platforms, the positions, the beliefs of every political party, very few distinctions exist that would differentiate one from the other.

AMP: Governor Escudero buti nabanggit n’yo ‘yan. As you said, ‘di ba, parang kagatin din naman natin ‘yong program of action tsaka mga plataporma atsaka pangako nila, pare-pareho naman talaga. In fact, to the point that everybody says they are pro-democracy, everybody says they respect human rights and everybody says they are for rule of law. Pero hindi rin naman po kaila sa inyo that one of the things that just being framed by the opposition right now and their supporters is they are saying na hindi, 2022 more than any other elections and in recent elections is going to be something that will determine our direction in terms of democracy, human rights and rule of law.

And diretsuhin na po natin ‘yon, they’re saying that in the context of considering a possible restoration of the Marcos family and they are saying also in the context of a Duterte ally winning. Do you agree that democracy, human rights, rule of law is at stake on May 2022 more than all past elections?

CHIZ: They were saying that in the last elections, Roby, as one of the issues that I remembered correctly against President Duterte but still he got the plurality of votes and became and is our president. These are valid issues that can be raised against the particular candidate given their history or given their family’s history and to my mind it’s part of political discourse. If you try to look back, Roby, halos magka-edad ‘ata tayo.

RA: Nauna lang kayo ng isang taon.

CHIZ: Lahat ng eleksyon pangulo o panguluhan sa ating bansa ang sinasabin ng karamihan d’yan ay this is a make-or-break election. This will decide, I first heard that n’ong nagkaisip ako n’ong 1986. Kada presidential election naman ‘yon ang sinasabi. And quite frankly I agree with it. Each presidential election is a very crucial election because it will be the direction our country will be taking for the next 6 years. Which given the pandemic may indeed be a make or break not only for human rights, not only for our democracy but more especially for our economy and the lives of our people. So, in that sense I think it’s even more crucial now. Because democracy is always under attack under any president given the powers given by the constitution to the president which includes the declaration of Martial Law, which includes the calling of the Armed Forces of the Philippines, which includes building his power and influence to affect court decisions or courts or judges that is always a possibility.

But now more than ever we’re faced with two additional problems. The economy is slowing down if not has fallen already and, number two, the pandemic which hopefully we will be able to survive. I’m going back to what you said Roby, imbes na negatibo, ang iniisip ko positibo na nagkakaroon ng sitwasyon kung saan may 3 o 4 na presidential candidate na nagkakasundo sa ilang kandidato sa iba’t ibang posisyon.

You won’t be surprised that there are several governors being supported by the same presidential candidates, there will be several congressmen supported by the same presidential candidates. For me, it’s a bit being a negative thing it’s actually maybe a positive thing, why? Kasi kung puwede naman silang magkasundo sa isa, dalawa o tatlong tao, sa sampung tao baka naman pagkatapos ng eleksyon, sino man ang manalo posible din magkasundo sila para sa isang daan o isang daan at sampung milyong Pilipino na mas malaki ang puwede nilang pagkasunduan at pagtulungan.

Sino man ang magiging pangulo I assure you hindi sapat ‘yong siya lang, ‘yong grupo lang niya, ‘yong partido lang niya, ‘yong kaibigan at kakilala lang niya kakailanganin niya sino man ang manalo sa kanila ang tulong ng bawat isa. Kasama na ‘yong nakatunggali niya sa nagdaang eleksyon, kasama na ‘yong mga partido na tumira sa kanya nung nagdaang eleksyon. ‘Yon lamang ang tanging paraan para mas mabilis sana magalawan at maresolbahan natin ‘yong mga problemang kinakaharap natin.

AMP: Governor, ‘yung mga party, pare-pareho halos ang plataporma pero ‘yong mga kandidato iba-iba. Ano ba ‘yung isusulong niyo sa kampanya? Syempre you have to stand up, ‘di ba? Do you have main advocacies na binabalak na i-pursue?

CHIZ: Dalawa lamang, actually, nabanggit na natin at napag-usapan na natin kanina ‘yong kaugnayan at kapangyarihan, buwelo at mas malawak na discretion sa parte ng mga local government units dahil ang paniniwala ko ang susi para sa ekonomiya at kalusugan ng ating mga kababayan ay sa pamamagitan ng LGUs.

Ngayon pa lamang nakikita na ng DOH ‘yan kaya unti-unti nilang dine-devolve na sa simula pa lang sana puwede naman nilang nagawa na. Pangalawa, Ma’am Amy, ang paggagamit ng National Budget ng tama. Bilang senador, bilang congressman ang pinakaimportanteng piraso ng batas na ipapasa nila ay ang taunang National Budget. Ito ang instrumento na makikita mo na agad ito ba ang tulay para bumangon ‘yong ating bansa, ito ba ang tulay para magbigay ng sapat na lunas sa ano mang karamdaman o pandemya na kinakaharap ng ating bansa. ‘Yon ang pangunahin kong tututukan at siguro naging mapalad ako at nagkaroon ako ng karanasan na maging finance committee chairman at masusing napag-aralan ang budget at nakita ko ang kapangyarihan ng national budget bilang instrument of growth, bilang instrument of healing at bilang instrument para matulungan ang mga lugar na kailangan naman talaga ng tulong.

EL: Sir, I understand that you are calling for the suspension of excise taxes on crude oil products because of the tuloy-tuloy na pagtaas ng presyon ng langis. Can we afford that? Ang sabi ng DOF, Php131-B na pagkalugi d’on sa –

CHIZ: Ed let me clarify, kung ang excise tax ay fixed at ang VAT ay fixed, ang VAT nasa 12% ang ini-estimate natin kikitain mula sa 12% kung Php50 lamang kada litro ang presyo ng gasoline ay estimado na rin. Ngayon ‘pag tumaas ‘yong presyo ng gasoline ‘yung percentage tax na makukuha ng gobyerno ay mas malaki din. In other words, with every price increase the government will have a windfall. So sana ‘yung windfall na ‘yon, ‘yon ang ibaba para sa gayon ‘yung expected, ‘yung projected na kita nila base sa percentage tax na ‘yon. ‘Yon lang din ang makukuha nila hindi ‘yung kasabay sila sa pabigat sa ating mga kababayan. In that sense you hit two birds with one stone, ‘yung projected revenue ng gobyerno, ‘yung target nami-meet pa din ng hindi sila nakadadagdag sa pasanin ng sambayanan kaugnay sa mas mataas na presyo ng gasolina.

Ang pangalawang istratehiya, sinusubukan ng gawin ng pamahalaan ngayon ‘yan ay pagbibigay ng subsidy.

‘Yung pangatlong paraan na pinag-aaralan na rin ng gobyerno ngayon ay ‘yung pagpayag ng 100% capacity dahil alalahanin natin tumaas na nga ‘yong presyo ng gasolina tapos limitado pa sa 30% ‘yung laman ng mga jeep, limitado sa 50% ang laman ng tricycle at gayundin ang mga bus. So may bawi sila kung mas malaking porsyentahe kung ligtas na nga ba o hindi ayon sa ating mga eksperto upang sa gayon ay maibsan ‘yong pagtaas ng presyo ng langis sa panahong ito.

RA: OK. Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero, tumatakbo po ulit sa pagka-senador under the Nationalist People’s Coalition. Governor Chiz, maraming salamat po.

AMP: Salamat po Gov.

EL: Thank you, Sir.

CHIZ:  Maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat. Thank you po.