THE MANGAHAS INTERVIEWS

 

MALOU MANGAHAS (MM): Magandang-magandang araw po sa inyong lahat. Nandito tayo ngayon sa Mangahas Interviews. Pinalad tayo katatapos lang ng Valentine’s Day. Ang ating panauhin si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero. Pag-uusapan ang iba’t ibang issue at pati na sigurop ang kanyang kalagayan ng kanyang puso, di po siya si Bamboo, siya po si Sen Escudero. Magandang hapon, Chiz.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Magandang hapon, Malou. Sa pagkakaalam ko, trabaho ang pag-uusapan natin dahil hindi kita sasagutin, anumang personal na tanong, maniwala ka sa akin

MM: Hindi, hindi. Game ka naman. Si Sen Chiz po ay dalawampu’t-apat na taon na, 24 years na nasa serbisyo publiko, lawyer at law professor. Aba’y tunay na tunay na Isko from from primary school to law school sa University of the Philippines at meron pong Master’s Degree in International and Comparative Law mula sa Georgetown University. Magsimula na tayo, ano ba dating ng Maharlika Fund sa inyo? Ano ba siya? Para saan ba siya?

CHIZ: Hindi para sa akin na sagutin ‘yan, Malou. Para ‘yan sagutin ng economic team na siyang nagsusulong nito dahil inendorso na ng Palasyo bilang certified measure sa Kamara ang bill kaugnay ng MIC o MIF, Maharlika Investment Corporation o Maharlika Investment Fund. Sa unang pagdinig ng Senado, tila hindi klaro sa mga nagsusulong nito kung ako talaga ang balak at pakay nila. Hindi para sa akin, Malou, na maghanap ng sagot at paliwanag sa mga nagsusulong ng ganitong uri ng batas, di para sa kin na i-research ‘yan sa ngalan nila.

MM: Pero tila doon po umiikot ang mga pangamba o mga duda o mga puna kasi ang sabi ninyo sa Senate, mukhang hindi malinaw kung ano talaga ang mga gaps and loopholes sa Maharlika. Parang they are saying na kikita dito ang ating mga government financial institutions. May concern kayo doon? Landbank and Development Bank and PAGCOR.

CHIZ: Sabi lang nila ‘yun, Malou. Sa panukalang batas na inihain sa Senado at inaprubahan sa Kamara, walang nakalagay dun na return of investment at guaranteed income ng Landbank man o DBP na magbibigay ng Php50-B at Php25-B respectively para dito sa MIC at MIF. Sabi nila isang bagay daw iyon na dapat gawin, puwes dapat ginawa nila ‘yun bago sila humarap sa ‘min. Puwes, dapat pinag-isipan at pinag-aralan nila ‘yun bago nila nilagay ‘yung perang galing sa Landbank at DBP na bubuo ng Maharlika Investment Fund.

MM: Tila po may pangamba ang iba dahil ang Landbank hindi ganoon ka financially healthy, ng due diligence ba? At para sa mga magsasaka dapat? At mangingisda ang mga credit facility nila. Ano ho ang silip niyo doon?

CHIZ: Magandang tanong ‘yan, Malou dahil sa mahabang panahon nasabi mo 12 taon ako sa senado, sinusubukan naming amyendahan ang charter ng DBP at Landbank para tumutok na lang, partikular sa mga magsasaka, mangingisda at sector ng agrikultura. Sa mahabang panahon, ilang beses akong nag chairman ng Committee on Banks. Hinahadlangan ito ng Monetary Board ng Bangko Sentral, sinasabing hindi puwedeng mag-invest ang Landbank at DBP sa iisang sector lamang, dahil ‘pag tumama ang bagyo, kalamidad, unos, at problema tinamaan ang agrikultura, babagsak ang mga bangkong ito. Ika nga sa wikang ingles, do not put all of your eggs in one basket. Tapos ganoon at ganoon lamang, sasabihin nila maglagay kayo ng Php50-B sa isang korporasyon, maglagay kayo ng Php25-B sa isang korporasyon. Sa katunayan, sa position paper ng Landbank at DBP, at alalahanin natin Malu, umuupo bilang chairman of the board ang secretary of Finance na magchairman din ng MIF o MIC sa Landbank, ang position paper nila kinukwestiyon nila ito, sabi nila eh dapat i-exempt kami ng Bangko Sentral at BSP sa maximum investible fund na ilalagay sa iisang kumpanya lamang dahil kung hindi lalabag kami sa sariling alituntunin ng monetary board na ang secretary of Finance din naman ang umuupo bilang chairman.

MM: OK, iba’t ibang bersiyon na po ang narinig ang Landbank at DBP pati na nga ang Bangko Sentral, nandoon sa panukala na mag-invest dito sa Maharlika Investment Fund pero ang problema parang tila nag-iiba ung mga iteration kung saan ang source ng pondo. May pondo ba tayo para sa Maharlika?

CHIZ: Well, kada araw Malou nagbabago depende kung sino kausap mo, nagbabago, depende kung sinong congressman o senador kausap mo o nagsusulong nito, may kanya-kanyang opinion sila. Ang pinagbabatayan ko lamang ay ang nakasulat sa panukalang batas na pending sa Senado at ung inaprubahan ng kamara. Walang pag-aaral na sumu-suporta kung saan kukuhanin, kung maalaala mo unang kukunin ‘yan sa GSIS at SSS, ang daming pumalag. Ngayon naghanap sila ng ganito, biglang sinama pa ang private sector. Paano naman ‘yun, alam mo Malou, nakakalito pa ni walang nakalagay na authorized capital stock ‘yung panukalang batas na inaprubahan ng Kamara at pina-file sa Senado. Hindi naman pu-pwedeng may korporasyon tayo na tila kinamkam ang pondong puwede nilang i-raise kaugnay ng investment corporation na nais nila ilikha.

MM: At isa sa tila nagging sensitibong issue ay ‘yung tax exemption, paki paliwanag nga po, ano po ang naging problema nyo doon? Bakit may tax exemption status ‘yung MIF?

CHIZ: Ito ang kauna-unahang kumpanya ng GOCC, pag-aari ng gobyerno na bibigyan ng absolute exemption sa lahat ng uri ng buwis, national o local, sa ilalim man ng NIRC—National Internal Revenue Code, sa ilalim man ng Local Government Code, sa ilalim man ng Tariffs and Customs Code. Kaya lang hindi iniliwanag sa mga panukalang batas na inaprubahan ng kamara at pin-file sa Senado, ano ba ang hangganan nito? ‘Pag nag-invest ba sila, ininvest na nila tax exempt na rin? At ito ang kauna-unahang beses na bibigyan natin ng tax exemption ang isang government owned and controlled corporation. Ang karamihan na economic team ni Pangulong Marcos galing sa administrayon ni Pangulong Duterte at ang naging polilsiya nila noon kaugnay ng polisiya noong panahon ni dating Pangulong Aquino ay wala dapat mga exemptions dahil napakahirap ipatupad nyan, marami lang lulusot at napakalaki ng palusot kung magbibigay tayo ng exemption. Pag bayarin na lamang ng buwis lahat at suklian na lang sana natin ang gusto nating i-exempt sa pamamgitan ng isang mekanismo na nakalagay naman na sa budget sa taununag budget ng gobyerno. Ang tawag nila dyan ay TEF o Tax Expenditure Fund, layunin po ng ponding ‘yan kung saka-sakali na suklian ang iba’t ibang korporasyon na dapat exempted pero pinagbayad natin ng buwis para klaro at hindi na kinakailangan pang magbigay ng malaking butas.

MM: Ngayon ang problema po natin eh parang napupuna din ang issue na parang ano ba ‘yung pangako na return on investment na sinasabi ninyo. Sabi ng ilan high-risk, talagang high management fee at high-cost din yan pero dito sa Maharlika meron bang nasilip ano ba talaga ‘yung ROI picture?

CHIZ: Walang nakalagay na ROI, Malou. Walang sinasabing ROI, ang sinabi lang ng National Treasury na kumatawan sa economic team noong ako ay nagpukol ng aking mga tanong, sabi niya, well, hindi dapat bumaba ng 6 na porsyento kada taon dahil ‘yun ang rate ng government securities, kung mag-i-invest lamang ang Landbank o DBP. Ibig sabihin bibili ng government bonds, ‘di kikita sila ng 6 na porsyento kada taon, ‘di dapat hindi ‘yan bababa diyan.

Ang tanong, Malou, ay ito, ang government securities nagbabayad every year, paano pag nag-invest tayo at long-term investment ito? ‘Pag binenta mo ang shares of stock na binili mo ng mababa assuming umakyat doon mo lang makukuha ang kita. Hindi porke’t tumaas ang presyo ay kumite ka na. Paper-gain lang iyon ika nga sa papel ka lang kumita hangga’t hindi mo binebenta. Ang tanong kailan mo ibebenta? Ibebenta ba nila? At kung dinivide nila ‘yun by three years ‘yan kung tatlong taon mula ng binili nila bago nila ibinenta, ilang porsyento na ‘yun?

Marami pang katanungan ang hindi pa nila nasasagot, at sa tingin ko sila mismo hindi pa nila nadadala sa dulo at sukdulan itong bagay na ito. Pero sa tingin ko Malou, nakakalungkot dahil sinusulong, minamadali pero klaro namang hindi sila handa.

Halimbawa, marami ng pag-aaral, marami ng libro. Kung ako nga nabasa ko sana sila nabasa rin nila bago nila isinulong ito kaugnay sa tinatawag natin Sovereign Wealth Fund SWF. Sa katunayan nag-meeting noong taong 2008 sa Santiago, ang ilan sa mga bansa na mieymbro ng IMF, nagbuo ng technical working group at nagpasa sila, Malou, na tinatawag nating GAP, Generally Accepted Principles and Policies on Sovereign Wealth Funds.

Alalahanin natin, meron kasing concern ung mga bansa kapag pumasok ang SWF ng ibang bansa sa bansa nila, aba, teka muna sobrang laking pera nyan baka maapektuhan ang micro and macro-economic conditions sa aming bansa so kinakailangang mapagkasunduan ‘yun. Malou, ni hindi nabanggit un sa mga panukalang batas. Ni hindi ko pa nga natatanong sa economic team kung alam ba nila o nabasa na ba nila ‘yan, in-incorporate ba nila ‘yan diyan sa Maharlika Investment Fund.

Pangalawa, ayon sa pag-aaral nila, kaya tinanong ko, ang kauna-unahang tanong ko eh para saan ba ito? Dapat maliwanag sa kanila mismo sa mga nagsusulong nito para saan ito? Bibigyan kita ng halimbawa, ayon sa pag-aaral, apat sa 48 o 50 plus na SWF, ang pangunahing dahilan kung bakit ito ginagawa, halimbawa, ang UAE o Dubai, sobrang laki ng kita nila nitong mga nakaraang  dekada sa langis pero paubos na ang langis nila so nagtayo sila ng SWF. Sa katunayan ito ang pinakamatandang SWF, taong 1950s pa nila itinayo para ipreserba ang windfall at kita ngayon upang umabot sa salinglahi at susunod na henerasyon.

Kung ‘yan ang objective, sa maliwanag ang pera ay galing windfall profits galing sa oil, hindi galing sa budget, hindi galing sa GOCCs, hindi inutang sa mga bangko na may ROI pero galing sa windfall profits at nais nilang mapreserba ito. So klaro sa isipan nila na ang investments dito ay puro long-term, high-yield, long-term dahil pinepreserba nila para sa salinlahi two o three generations after the present generation.

Layunin ng ibang bansa kaya nagtayo ng SWF, para makadagdag bilang supplement sa budget dahil kulang ung taunang budget nila. Pwes,kung  yan ang layunin, ‘di dapat kailan ba tayo kakapusin? Next year ba? Next, next year ba? So dapat ung mga investments short at medium-term lamang. At dapat ibenta mo na agad para marealize mo ang kita at makadagdag ka sa budget na kinakailangan.

Ang pangatlong layunin ay para dagdagan ung kanilang pension fund. Klaro na abunado tayo sa pension ng mga AFP retired personnel ganun din sa PNP so ‘yun ba ang intention? So mapaplano din natin ang level at long at period ng investment kung un ang layunin natin. Hindi pwedeng depende kung sino ang kausap mo, may magsasabi na social services, infrastructure, tulay, dam. Hindi naman pupwedeng ganun. Dapat sana mag-usap-usap muna sila klaruhin nila, at pagka klaro na sa isipan nila at nagkakasundo sila, doon nila ipresenta sa amin para aprubahan namin.

MM: Pero tila hilo sila ano? Iba-iba po ang bersiyon na maririnig ninyo na layunin o pakay nitong MIF. Ang tanong po na susunod eh sabi nila para magkaroon ka ng kitang mabuti dapat astig ang iyong mga management team. At pag astig ang management team mahal ‘yan, ibig sabihin kakain pa ‘yun sa kanilang pinapangakong potential interest o income. Ano ho ‘yun? May management plan ba sila? Paano gagawin ito kung sakaling mabuo na ‘yung korporasyon?

CHIZ: Walang nakalagay. Nakalagay lang sa mga panukalang-batas. Uulitin ko, inaprubahan man ng Kamara o inihain man sa senado, maximum of 2 percent ang pwede nilang gastusin for administrative purposes ng kabuuan ng pondo o Php2-B to Php100-B ‘yun. Pangalawa, hindi daw sila dadaan sa GCG na sana’y nagsusuri ng mga qualifications ng mga experience ng mga uupo diyan dahil daw ang sagot nila, kulang daw sa oras at nagmamadali daw sila. (inaudible) ‘di i-prioritize ng pangulo siya naman ang nag-appoint ng mga myembro ng GCG, ‘di unahin ito kung un lang ang problema nila. Dahil kung ‘yun ngang mga kumpanya na may mas maliit na pondo at hinahawakang pera eh dumadaan dito, ano pa kaya ung kumpanyang hahawak ng Php100-B.

Pangatlo, anuman ang kanilang management style, anuman ang kanilang priority, anuman ang kanilang layunin, aba eh board of directors na lang daw ang magpapasya kaugnay nito. Ayon sa GAPP, sa generally accepted principles and policies ng SWF o sovereign wealth fund na inaprubahan ng TWG ng IMF, hindi ito dapat ganyan dahil mahihirapan tayong pumasok, ang MIF o MIC kung malilikha man yan, pumasok sa iba’t ibang bansa dahil hindi nila mape-predict kung saan ba tayo papasok na investment at baka makaapekto tuloy ‘yan sa micro- and macro-economic policies nila sa sobrang laki ng pondo na pinapasok ng SWF dahil syempre pera ng bansa ‘yan.

MM: Ngayon ang tila po hindi malinaw dito sa kalituhang ito ano ba talaga ang pinadalang mensahe, dapat ba madaliin ng senado kasi ang house ilang session days lang pasado na. Sa senado, mukhang tumitindig ang mga senador natin na busisiin ng husto at sabi ni Senate Minority Leader Pimentel we cannot defend the indefensible. Ano ho ang tingin ninyo outlook sa Senate? Made-delay ba? Hanggang kailan ang debate?

CHIZ: Hindi ito kuwestiyon na kung made-delay ba. Ang tanong, kailan ba handa ang economic team para ipagtanggol, ipaliwanag at magbigay ng klarong mga kasagutan sa mga simple pa nga lang na mga katanungan mula sa Senado. Hindi naman kami ang may kasalanan ng anumang uri ng delay, ang may kasalanan kung mayroon man kung made-delay man ito ang kakulangan ng pag-aaral, kasagutan, at kahandaan sa parte ng Executive department in particular ang economic team na ihain ng klaro, maliwanag, at walang kalito-lito mula kanino man kaugnay ng balak at layunin nila sa bill na ito.

MM: So, did they promise to deliver all the things na hinihingi ninyo? ‘Yung pag-aaral na iyan? ‘Yung pagiging klaro? Ano ang layunin? Papaano papatakbuhin?

CHIZ: May hearing ata Malou this coming week. Akala ko nga, weekly ang hearing pero last week wala silang hearing. Mukhang naghanda naman sila noong nakaraang linggo dahil walang hearing so umaasa ako na magiging mas maliwanag mas klaro hindi lamang ang kanilang presentasyon pero pati na rin ang kanilang kasagutan sa ilang mga katanungan. Pinutol ko nga sila sa unang pagdinig, Malou, kasi balak sana mag presenta ng DOF, DBM, ng National Treasury, ng Landbank at DBP, sabi ko teka, isa lang ang magpepresenta dapat. Iisang posisyon lang dapat kayong lahat, mula kayo sa executive department at iisa lamang ang posisyon ninyo dapat so pwede ko matanong sino ang magrerepresent sa ngalan ninyong lahat. Noong may nagtangkang magpresenta ng kanilang posisyon ‘di ko pinayagan dahil mas magbibigay lamang ng kalituhan iyon kung hindi sila nag-usap-usap mismo bago sila humarap at nagpresenta sa amin.

MM: Sabi ninyo mukhang ang economic team sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang parang nagsusulong nito pero may alinlangan ang Landbank at maging ang Bangko Sentral may sinabi na baka madelay ang kanilang pag build ng kanilang Php200-B na dapat na reserve fund paano po ‘yun? ‘Yung mga panggagalingan ng pondo tila ayaw o mayroong alinlangan?

CHIZ: Well, patunay ‘yan, Malou, na hindi sila nag-uusap-usap, hindi sila kumbinsidong lahat at I will call a spade a spade. Hindi ko nakikita sa ilan nating mga economic managers na kumbinsido sila dito, parang sumasabay lang sila sa tugtog ika nga, na ikinukumpas ng Palasyo o ng Kamara pero sila mismo, personally o privately, tila hindi kumbinsido kaya rin siguro nahihirapan sila ipagtanggol ito dahil hindi ‘yan ang training nila. Hindi ‘yan ang natutunan nila, hindi ‘yan ang kanilang competence pagdating sa mga bagay-bagay, paano gawin ang mga bagay-bagay.

MM: Even ‘yung sinasabi ninyong economic team, si Sec. Balisacan, may kaunting qualifier ano po? Si Bangko Sentral Gov. Philip Medalla, may kaunting qualifier din. ‘Yung Landbank kaunting qualifier. Sino po ba ang nagpupumilit? Si Cong. Salceda at si Speaker Romualdez?

CHIZ: Hindi ko rin nakikita ‘yan. Matagal ko ng kilala, Malou, si Joey, hindi ko nakikitang kumbinsido siya bagaman pinagtanggol nya ito. Sa ilang interviews, sinabi nya rin na bahala na sila. Hindi naman ganyan si Joey, napakametikulosong tao ni Joey lalung-lalo na kung nag-aaral siya at sa mga katanunga. Napanood ko ‘yung interpellation ni Cong. Lagman sa kanya, may ilang tanong na pinakawalan at hinayaan na lang ni Joey at hindi pinatulan dahil hindi nya kayang bigyan ng tamang sagot na susuporta sa paglikha ng MIC o MIF. ‘Yung mga pinukol sa kanyang mga katanungan ni Cong. Edcel Lagman.

MM: So, kung uugatin natin nasabi rin sa amin ni Cong. Joey na siya ay nag technical committee lang, ni review nga niya ung unang hatag nung proposal at sabi nya dapat tanggalin ang GSIS at SSS. Pero kanino ba talaga ito? Sino ang mayroon talagang brainchild nitong Maharlika, si Pangulong Marcos, si Speaker Romualdez, si Cong. Sandro? Kasi mukhang dun sa pamilya sa tatlong ‘yun mauugat ang idea.

CHIZ: Hindi ko masasagot yan dahil hindi naman kami close. Hindi kami nag-uusap kaugnay sa bagay na iyan. Pero duda ako na ýun nga, dahil iba ang sinasabi ni Speaker Romualdez kaugnay ng MIC at sa pakay at layunin nito, iba ang sinasabi ni Cong. Sandro ukol sa pakay at layunin nito. Iba ang sinasabi ni Cong. Salceda, iba ang sinasabi ni Pangulong Bongbong at iba ang sinasabi ng economic team so sana mag-usap-usap sila, mag meeting sila, magkasundo sila at i-presenta at ipaliwanag nila sa amin kung ano talaga ang gusto nila para mabigay naming ang karampatang suhestiyon at suporta kung kami ay makukumbinsi.

MM: Ngayon kung ganoon na katagal na sila ay nagkakalituhan na mismo, bakit po tayo nagi-invest pa ng panahon para dito sa Maharlika Investment Fund mula nung bago mag-Pasko hanggang ngayon lumipas na ang Valentine’s Day, hindi pa rin nagkakasundo-sundo ‘yung ano ba talaga ang pakay ng panukala ninyo.

CHIZ: Ulitin ko, ang bola ay nasa kamay nila. Nag-hearing kami two weeks ago, wala kaming hearing last week at ngayon ata ang pagdinig.

MM: Puwede bang bitawan na lang ang konsepto as in inaral niyo po sa Senado ang mga good and bad examples, ang mga big failures at some successes ng mga SWF, ang Malaysia 1MDB, ang Temasek sa Singapore at ang Norway. Recently, may mga balita na talagang napakalalaki ng pagkalugi nila. Ito ba ang panahon na tayo ay magpundar ng sarili nating SWF?

CHIZ: Nabanggit mo ang Temasek, nabanggit mo ang Norway, nabanggit mo ang Singapore. Iba-iba ang layunin ng mga pondong yan Malou at ang sagot dyan ay depende sa layunin ng MIF natin. Ang layunin ng Singapore ay magpatakbo long-term at kumita mula sa kanilang windfall profits at magkaroon ng reserve para sa future na pangangailangan nila. So, kung long-term ito, wala sila halos pagkakamali na magagawa. Ang Norway in-invest ang pondong iyan para sa kanilang pension o pension fund so medyo long-term din ‘yun bagaman nalugi daw naman sila ng mahigit isang trilyon on the net, ung kabuuan, kita pa rin sila pero year on year, talo ng ganoon kalaki dahil napakalaki ng kinita nila noong nagdaang taon. Kaugnay naman ng Malaysia, nabigyan ng issue ito dahil sa corruption kaugnay ng prime minister kaya nakulong si Najib pati ang asawa niya kaugnay sa corruption dito sa sovereign wealth fund ng Malaysia. Subalit may solusyon naman doon, klaruhin ang accountability at responsibility at hindi ‘yung parang nakita ko sa inaprubahan ng Kamara at inihain sa Senado na parang shotgun na lamang. Bahala na ang board of directors, bahala na ang labin-limang taong ‘yun at bahala ang Pangulo na i-appoint sila na wala ng say ang Kongreso, GCG, at ni walang nakasulat sa batas ano nga ba ang mga kwalipikasyon na kinakailangan ng mga taong ilalagay dyan. Gaano ba katagal ang termino nila? Paano ba sila papalitan at kung saka-sakali papaano ba sila tatanggalin?

MM: Ang sabi ng mga ekonomista at marami ho ang nagpahayag na sila ay tutol dito sa konsepto o panukalang Maharlika Investment Fund eh parang this is when politics trumps economics ibig sabihin mga pulitiko ang nag-anak nung proposal. ‘Yung mga ekonomista na astig, tila ayaw ng konsepto. Paano ho iyon? Pulitika ba to?

CHIZ: Well, pulitika din naman siguro sa tingin ko bahagya Malou ang mga ekonomistang tumututol dito dahil hindi pa nga klaro eh. Paano ka tututol sa isang bagay na hindi klaro? Baka mamaya may napakinggan silang isang bersiyon pero hindi naman talaga ‘yun. Baka may marinig silang nagsusulong nito na tingin at opinion nya pero hindi naman iyon ang nakasaad o ipapasa finally pagka-ito ay naaprubahan ng Kamara at ng Senado. So maganda siguro punahin, i-criticize, i-critique, magbigay ng suhestiyon na kung ito ay mapapasa man dapat ganito ang hugis, porma, kulay at itsura nyan. Hindi pupwede sa kasalukuyang hugis, porma, kulay at itsura ng mga nababasa at nakikita natin ngayon at katulad ng inaprubahan ng Kamara.

MM: Pagka nagkaroon ng bersyon sa Senado at meron ng bersyon sa House, walk us through the process. ‘Di magba-bicameral conference committee, eh paano ho kung magkalayong-magkalayo ang mga proposal na ipapasa ng Senado at ng House of Representatives? Tatagal ito.

CHIZ: Well, kaya merong bicameral conference committee tulad na lamang ng budget, magkalayo ang bersyon na inaprubahan ng Kamara at ng Senado pero sa loob naman at hindi naman lumalampas ng dalawang linggo, inaaaprubahan naman ito at nagkakasundo sila, ganoon din ito. Ang susi diyan kapagka nag bicam kaninong bersiyon ba ang gagamitin bilang modelo sa pagdiskusyon kung anumang bersiyon ang ginamit eh di un na ang template, ‘yun na ang pattern at doon na magmumula at gagalaw anumang panukala kaugnay sa pinal na bersiyon na aprubahan ng bicameral conference committee.

MM: So ang kaibahan din hindi lang simple malamang  sa bersyon ano o ung idea o konsepto. Sa House of Representatives ay paspas ang trabaho, bigla-bigla ay napakarami na kagad ng bumoto, 200 ano po. Sa Senado, ilang linggo na, nagdedebate pa rin kayo at talagang sinusuri ninyo so hindi pa puwede na the numbers game will prevail na lang kung ano ang kumpas ng Pangulo at siya ay mayroong liderato ng coalition majority both sa Senate at sa House.

CHIZ: Sa labindalawang taon ko sa Senado, bago ako nag gobernador sa nakaraang termino at ngayon ay nakabalik ako Malou, hindi ganoon ang Senado. Ang Senado anumang kinikilingang kulay o partido sa pulitika may nananaig pa rin na pagnanais na itayo, itaguyod at ipagtanggol ang institusyon na nagbibigay o nagtuturing na dapat maganda, pinag-aralan at masusing tinignan ang mga batas na ipinasa. May nakakalusot pa nga, may mangilanngilan pa nga na nakakalusot hindi rin naman perpekto ang senado pero hindi kilala ang Senado na pikit-mata na nag-aapruba na lamang ng mga panukalang batas lalo na ang isang panukalang batas na kasing kumplikado nito na minamadali o minadali lamang. At kung saka-sakaling mapasa naman iyan, sa kadalasan Malou nasa huli ang pagsisi kapagka ginagawa nila ‘yan. Kaya may ilang panukalang batas hindi ba ngayon nire-review, inaamyenda at nire-repeal pa dahil nga medyo minadali at paspasang inaprubahan.

MM: Do you have enough independent-minded senators now sa Senado?

CHIZ: Well, whether its passed or not, mapasa man ‘yan Malou, sinabi ko na nga ‘yan sa pagkatapos ng unang pagdinig hindi ‘yan papasa sa kasalukuyang itsura, kulay, at porma niya. So kung boboto man ako o hindi, matanggap man ang amendments o hindi, matitiyak ko sa iyo na hindi yan ang bersiyon na maaprubahan ng Senado. At hindi ‘yan ang bersiyon na aaprubahan ng Kamara man o ng Senado sa bicam.

MM: Meron na rin pong challenge sa Korte Suprema itong Maharlika Fund, sa tingin niyo maapektuhan ba ‘’yan if the SC says that is not needed, it is not a constitutional matter. Ano sa tingin nyo ang kumplikasyon doon? Better or not better?

CHIZ: As a lawyer, I cannot prematurely comment on any case pending before the SC but suffice to say, Malou, how can anyone question the MIF when it is not yet a law, proposal pa lamang ito. Wala pa ata akong nakita na Court decision na dineclare na unconstitutional ang isang bill. Hindi pa naman naaprubahan ng Kongreso o ng Senado. Pangalawa, ang paghain ng bill, ang pagtalakay ng bill, naniniwala ako na saklaw ‘yan ng kapangyarihan ng Kongreso, Senado man o Kamara at hindi puwede panghimasukan ng Korte Suprema at papasok ito sa tinatawag nating political question doctrine na hanggat maaari hindi pinapakielaman ng Korte Suprema.

MM: Sa madaling sabi na kahit na medyo may panukalang ganyan, ang Senado ay magkakaroon ng pagbusisi ano po pero pansamantala may mga ibang panukalang batas na tila hindi naman siguro entirely nawawalan ng panahon ang Senado. Halimbawa po ‘yung SOGIE Bill. Medyo may kaunting kaguluhan doon, pinaremat ng Cmte on Ways and Means ni Sen. Joel so anong mga batas o panukala ang nabibinbin dahil dito sa Maharlika Bill? May epekto ba?

CHIZ: Walang epekto akong nakita, Malou. Isang pagdinig pa lang naming iniskedyul. Hindi pa naman pinag-uusapan yang MIC/MIF sa plenaryo. ‘Yung pagbaba muli ng SOGIE Bill, sa plenaryo din ginawa, hiwalay na komite ang nagdidinig nito Committee on Banks. ‘Yung iba namang komite patunay naman ang pagdinig kaugnay sa ibang panukalang batas at imbestigasyon. ‘Yung SOGIE Bill medyo may punto ng kaunti dahil sumasabay ang SOGIE bill sa anti-discrimination bill na sa magkahiwalay na komite ini-refer. Ang laman ng SOGIE Bill mas detalyado, mas maraming kontrobersyal na probisyon kumpara sa Anti-Discrimination bill na aplikante sa lahat at anumang uri at klase ng diskriminasyon ano man ang kasarian o anuman ang kinikilingan. Ang SOGIE Bill, particular, na nakatutok lamang sa particular na kasarian kinikilingan at paniniwala.

MM: At maraming issue din na parang tipong natalakaya kayo o nagkomento na kayo, halimbawa po ung VAT exemption sa mga foreign tourists? Good move o bad move?

CHIZ: Sa ibang bansa ginagawa na ‘yan. Sana pulutin natin at pagpulutan natin ng aral ang best practices sa ibang bansa. Halimbawa, Malou, ‘yung ibang bansa sa tindahan na mismo doon na nakukuha ang refund. Sa ibang bansa kailangan mo pang makuha ang refund at pumila ka pa sa customs sa airport. Sa ibang bansa naman ‘yung iba puwede, ‘yung iba hindi puwede. Sa ibang bansa, puwede sa iyo ibalik ng cash o puwede lamang ibayad sa pamamagitan ng card pagkalipas ng kaunting panahon. Marami na rin ang nademenda at nakasuhan na nakinabang dito at nagsamantala so dapat pagpulutan natin ng aral ‘yan kung sakaling gagawin natin yan. Nakakaengganyo yan sa isang turista na mag shopping dito kung ‘yan ay gagawin dito. Dahil sa ibang bansa sa Europa, sa halos lahat ng bansa sa Europa, ‘yan ang ginagawa nila sa mahabang panahon na, ilang dekada na.

MM: But do we not need the money that we could gather lalo na’t may deficit tayo na malaki at nangungutang tayo ng todo-todo?

CHIZ: One of the questions that I would be asking is ano ba ang pino-project niyo na bilang at dami ng turistang pupunta dito kapagka ginawa natin ‘yan at tsansang sa ibang bagay sila gagastos, lilikha ba ito ng trabaho? Magbabayad ba ng buwis ‘yung mga magtatrabaho? Puro ba minimum wage ‘yan? Lilikha ba ‘yan ng trabaho dahil magbu-book sila sa hotel? Isang milyong turista ba ang idadagdag dahil diyan? Uulitin ko, sino man ang nagsusulong, tiyakin nilang may sapat na silang datos kaugnay sa anumang panukala na gagawin nila. Hindi ‘yung parang Maharlika Investment Fund, hindi ‘yung parang VAT exemption sa tourist na kinokopya lang naman natin kung ano ginagawa sa ibang bansa. Hindi porke’t umubra sa kanila, automatic uubra din dito sa atin. Magkakaiba ang sitwasyon ng kada bansa. At baka noong ginawa nila yan bagay at angkop pero ngayon hindi naman.

MM: Tila optics, ano po? Kasi mukhang sabi niyo nga katulad ng Maharlika walang pag-aaral na sapat. Ano ang opportunity cost na nawawala dito? Ano ‘yung  nawawalang revenue na ipo-forfeit, so kung sakali po parang ‘yung tipong wala lang naisip siguro na parang pampabuenas sa ating tourist industry, tourism industry.

CHIZ: Hindi naman. Mali lang ang pananaw ng ilang executive officials. Ang gusto ata nila basta may naisip ako, basta gagawa ako ng bersiyon bahala na ang Senado at ang Kongreso na ayusin ‘yan. Hindi po ganoon ‘yun. Sila ang Executive, sila ang dapat pag-aralan, tignan kung ano ang pinakamaganda bago ipresenta sa amin. Hindi namin trabaho Malou, uulitin ko, na magsaliksik para sa kanila kaugnay sa isang bagay na sila ang may gusto na baka ni hindi pa naman ako kumbinsido sa ngayon tulad na lamang ng Maharlika Investment Fund. Hindi para sa akin na hanapan ng solusyon ang mga problema, hanapan ng direksyon ang kawalan ng direksyon dahil hindi naman ako ang nag-isip at nagpanukala nito kundi sila.

MM: Basta gusto bahala na si Batman sa Senado parang ganoon.

CHIZ: Hindi sila makakalusot kung ganoon

MM: Mayroon din po kayong komento tungkol dun sa sana magkaroon ng mental health study ang Department of health, ano ho ang batayan nyo sa concern na ito?

CHIZ: Dito at sa ibang bansa, well, mangongopya din lang tayo sa SWF, nangopya tayo ng VAT exemption, ‘di kopyahin na rin natin ang ginagawa sa ibang bansa. Pero hinihingi ko pag-aaral muna hindi panukalang batas. Sa ibang bansa nakita nila, malaki ang naging epekto ng lockdowns, ng COVID, ng pandemic, pagkawala ng trabaho, pagbagsak ng ekonomiya sa mental health ng kanilang mga kababayan. Ang nakita nating pag-aaral ay mula lamang sa DepEd kaugnay sa elementary at HS students. Paano ang college? Paano ang vocational? ‘Yung technical? Paano ‘yung nagtatrabaho? Paano ung mas nakatatanda? Paano ‘yung walang trabaho? Paano ‘yung nasa sector ng agrikultura? Importanteng makita at malaman natin para mabigyan ng kaalaman ang Kongreso na maglikha ng polisiya na tutugon dito kung may ganoong kalaking problema talaga na kailangan tugunan. ‘Yung datos na nakita o pinakita lamang ay ‘yung bilang ng nagtangkang magpakamatay o nagpakamatay na kabataan, paano ung mas matatanda? Meron bang datos ang DOH kaugnay niyan? Sana ilabas po nila ‘yan hindi lamang sa particular na sector o segment ng lipunan.

MM: At hindi naman po ata na aabot dun sa acute na situation na magpapatiwakal, maraming mga mental health conditions na dinaranas ang ibang tao pero kulang ang ating mga tao na nag-a-assist sa kanila, mga ospital o facilities o mga professionals na puwede tumulong. Tila nandoon po ata ang nature ng problema hindi sya kumbaga isa siyang secret emergency o a silent emergency.

CHIZ: Well, tama ka Malou. Halimbawa, noong ako ay gobernador sa aming lalawigan, ni iisang psychiatrist o psychologist wala kami sa aming provincial hospital. Meron kaming siyam na ospital, isang provincial hospital na level 2, apat na district hospitals na level 1, at apat na infirmary. Ni isang psychiatrist o psychologist, wala kami. Bakit? Walang available. Walang nag-a-apply. Meron kaming item pero wala namang nag-a-apply dahil karamihan nasa abroad, nasa Maynila, nsa NCR at walang gustong magtrabaho doon. Kung hindi kaya ng gobyerno, pwes makipag ugnayan sila sa pribadong sector, tulad sa ibang bansa na puwedeng magbigay ng mala 9-11 na numero o help desk o call center na puwedeng tumugon pansamantala man lamang sa mga nangangailangan ng tulong lalung-lalo na kung kagyat ang kanilang pangangailangan.

MM: Tila nagiging issue lang o topic ng diskusyon kapagka meron na talagang acute na kaso, ano po? Mga nagpapatiwakal o ung mga OFWs families natin na tunay na umuuwi na battered ‘di lang physically but also mentally. Parang walang gaano ata tayong pagpapahalaga sa mental health bilang bahagi ng Human Rights Protocol.

CHIZ: Nang nagkulang tayo ng duktor, kaya dapat pag-aaral muna. Noong nagkulang tayo ng duktor, naglaan ng pondo ang Kongreso para hikayatin ang mga tao na pumasok sa pagdo-duktor. Nagbigay tayo ng malaking pondo para sa scholarship kumpara sa scholarship sa abogado, walang ganun. Ika nga, sobrang dami na ng abogado kulang ang doctor. Puwes kung kulang naman ang mga psychiatrist o psychologist, dapat mag-laan din tayo ng pondo para sino man ang nagnanais, libre ang edukasyon at least sa mga state universities at colleges. Or magbukas tayo ng mga kurso sa mga state universities and colleges, magbigay tayo ng incentives sa mga pribadong eskwelahan na alukin ang kursong ito at mamigay ng scholarship din. Kung ‘yun ang lalabas sa datos na kinakailangan natin, klaro Malou, na walang dayuhang nag-aral sa America, sa Europa ng psychiatry o psychology na pupunta dito para dito mag trabaho at ibuhos ang kanyang kaalaman.

MM: Meron kayong napakahalagang panukala, ‘yung i-waive ng mga taong gobyerno ang kanilang bank secrecy parang proteksyon. Ano na ho ang status nito? Kasi mukhang tila mahalaga ito dahil sa Anti-Money Laundering Council at sa Convention Against Corruption, dito tayo yata nahihirapan, Bank Secrecy Law pa rin tayo.

CHIZ: Well, hindi ko maunawaan kung bakit ito pinapalagan o hindi gusto ng ilan. Simple lang naman ang choice, ayaw mong mag-waive, ‘di wag kang pumasok sa gobyerno. ‘Wag kang tumakbo, ‘wag kang magpa-appoint kung ayaw mong buksan ang bangko mo. Pero kung nais mong tumakbo dahil naka Manalo ka, kung nais mong magpa-appoint manilbihan sa pamahalaan, pagsilbihan ang taumbayan pwes dapat bukas ka sa requirement na ‘yan. Malou, inimbento ang secrecy of bank deposits panahon pa ni Pangulong Marcos bago pa nga noon, para hikayatin ang mga tao na mag-invest, mag-deposito, maglagay ng pera sa bangko, un ang rason bakit ipinasa yan pero hindi mo naman kinakailangan ‘yan sa aking pananaw. Hindi na ‘yan kinakailangan para lumago ang mga bangko natin, ang banking system natin. Hikiyatin ang mga tao mag-deposito. Ang problema kung baket hindi nagdedeposito sa bangko ang mga tao ay dahil walang bangko sa munisipyo nila, walang atm dun sa barangay nila. ‘Yun naman ang pangunahing dahilan at hindi dahil andyan ang secrecy of bank deposit, so tatanggalin natin ang secrecy of bank deposit. Walang kinalaman ‘yan doon. At mananatili ang secrecy of bank deposit kung ikaw ay pribadong individual, tatanggalin lamang naman ‘yan o ili-lift kung ikaw ay papasok sa gobyerno. Katulad ng sinabi ko, ayaw mo? ‘Di huwag kang pumasok sa gobyerno. ‘Wag kang tumanggap ng anumang pwesto sa gobyerno, ‘wag kang tumakbo sa anumang puwesto sa gobyerno.

MM: At sa totoo lang, sa SALN ninyo meron kayong waiver na pinipirmahan na puwedeng saliksikin ng Ombudsman ‘yung inyong financial at interest, ano po? So ano sabi ng inyong mga kasama sa Senado at Kongreso? Kinukuyog ba kayo ng puna o suporta dahil sa inyong panukala?

CHIZ: Well, hindi naman sa kulang ang suporta, Malou. Aaminin ko pero ito ‘yung mga nagdaang Kongreso hindi ko pa masyadong nakakausap ang aking mga bagong kasamahan ngayon. Pero puna wala naman, katanungan marami, “Hoy! Ano ba? Huwag na ‘yan.” Anong problema? Ngayon kung wala kang tinatago, wala kang dapat katakutan madalas kong sinasabi kung wala kang tinatago.

MM: Pero sa totoo lang po dapat talaga lahat ng nasa pulitika o even sa serbisyo publiko nandoon sa category ng politically-exposed persons, ano po, sa Anti-Money Laundering Law pero sa mga nagdaan na mga kaso, halimbawa, ung mga Ampatuan ng Maguindanao, tila hindi naman nasilip ang pagiging politically exposed person nila. Dapat po ata lahat, mino-monitor ng Anti-Money Laundering Council.

CHIZ: Ang problema Malou ito, sheer number. Wala pa atang teknolohiya ang AMLC, wala pa silang AI o artificial intelligence. Bakit? Ang bilang ng transactin na nirerequire sa atin ng international organizations na threshold na dapat ireport sa AMLAC ay Php500,000 o roughly $10,000, ayon sa huling datos na nakita ko, umaabot ng humigit kumulang na, kung hindi ako nagkakamali Malou ha, 3 milyong transakyon kada araw ang hihigit sa Php500,000. So sige nire-report ‘yan sa AMLC, nasa database nila ‘yan, nasa hard drive nila ‘yan pero walang nagsusuri nun, tumitingin right there and there, red flag ito, patingin. Pero ‘pag may nagreklamo na, may nadiskubre ang media sa pamamagitan ng investigative journalism puwede naman makita at balik tanawan dahil nandoon lang naman. Pero kung sasabihin mo sa akin na magagamit yan para sa agarang mapigilan anumang krimen, wala pa atang ganoong teknolohiya kaugnay ng AI ng AMLC para kapagka may ginawa kang kalokohan, kinaumagahan mismo pwede kang sabihan.

MM: At tila ang nagiging problema, nagsasara ang pinto even doon sa disclosure ng SALN, ano po? Noong kayo ay nasa Senado lahat halos ng mga senador binibigay ang buong SALN hindi na lang summary of numbers. Ngayon Senado, Kongreso, Supreme Court, puro summary. Ano ho tingin niyo doon? Mukhang ‘yung SALN Law, parang medyo nabastos na.

CHIZ: Ang problema ang nag-i-interpret ng batas, Malou, ay ang Korte Suprema. Iba ang interpretasyon ng batas sa kanila, iba ang interpretasyon ng batas sa amin. So mula nang nagbigay ng interpretasyon ang Korte Suprema, ‘yun na rin ang ginamit na interpretasyon dahil nagdesisyon sila nung iba’t ibang mga ahensiya. Sang-ayon naman ako na may mga bagay na dapat i-reduct, ang tawag nila doon reduction. Halimbawa, ‘yung address, telephone number, so ‘yung mga description, personal property, shares of stocks dapat naman siguro hindi nire-reduct ‘yun dahil hindi naman binanggit kung nasaan at ilan un at anong plate number ng mga kotse.

MM: Pati ang mga anak under 18-years-old, puwede rin namang hindi pangalanan, even ‘yung signature. Ano po, ‘yung ID number, passport o ‘yung ID number. Mapunta tayo sa ibang usapin, ang ating mga OFWs dumarami hindi naman siguro super dami pero dumarami. Ang mga kaso recently ay nakakalungkot, ano ho tingin ninyo? Meron tayong bagong Department of Migrant Workers may mga adjustment period pa pero sa tingin niyo po ba meron pang kulang o gaps sa proteksyon na dapat ibigay sa ating mga OFWs ?

CHIZ: Kailangan para sa akin ang mas immediate na pwede magawa in the transition man lang i-meet ng Pangulo ang DFA particular ang mga embahada o konsulado natin. Tanungin ko ano bang ginagawa nila pag may pupuntang congressman, secretary, senador, governor, mayor i-entertain nila, sunduin nila sa airport asikasuhin nila, ila-lunch nila, i-di-dinner nila. ‘Pag may reception ang iba’t ibang embassy kung saan sila naka-assign, ‘pag merong reception ang national government kung saan sila naka-assign pupunta sila. ‘Yan ba ang trabaho nila?

Natatakbuhan ba ng mga Pilipinong nagtatrabaho o bilang turista sa ibang bansa ang mga embahada o konselado na meron tayo sa iba’t ibang bansa? Ang naging practice ng mga iba’t ibang administrasyon ay kailangan may military attache tayo, ay kailangan may agriculture attache tayo, ay kailangan, ngayon, migrant workers attache at dapat may taga OWWA at taga DOLE tayo diyan.

‘Pag lumapit ka sa consulate, lumapit ka sa ambassador, ay lumapit kayo sa OWWA. Dapat ire-orient para ang mandato nila dahil napakalaking problema na iyan, Malou, dahil andami ng Pilipino mga 10 milyong ang Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi ba dapat ‘yan ang pangunahing trabaho ng mga embahada at konsulado natin imbes na panay dagdag lang natin ng mga diplomats sa kada departamento at nag-iisang tao lang naman sya at karamihan ng staff ay sumusuporta sa ambassador at sa consulate. Sana ayusin nila para sa agarang panahon matukoy natin at makapagbigay tayo ng tulong sa ating mga OFWs at sa ating mga turistang nagbabyahe sa ibang bansa.

Nakita ko ng nangyariyan dito sa Pilipinas at nainggit ako sa totoo lang. Naalala ko ang kaso ni Pemberton, naalala mo ang kaso ni Larrnaga? Kung hindi ako nagkakamali, biruin mo ang ginawa ng mga Amerikano talagang binantayan nila ang kanilang national na nakasuhan, tinutukan hanggang sa napalaya nila sa pamamagitan ng husgado.

‘Yung kay Larranaga naman sinulong matapos ma-convict, ng bansang Espanya na magkaroon ng prisoner exchange treaty ang Pilipinas at Espana dahil lamang sa iisang Spanish national ha. Na imbes na mabilanggo dito, doon na mabilanggo sa Spain malapit sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at kamag-anak para mabisita sya doon pero hindi sya puwede palayain dahil hindi papayag ang Philippine court. Sa kaso natin, Malou, sa paagkakaalam ko, sa huling datos din mahigit isang daang libong Pilipino, 1 percent ng mga OFWs natin ang nakakulong o may kaso. Ano ang ginagawa natin para sa kanila?

Ang gandang pakiramdam ung may matatakbuhan ka, ung may kumakampi sa ‘yo lalo na sa ibang bansa na iba ang itsura ng ilong nila, ng labi at mata nila at kulay ng balat nila. Nakakagaan ng puso kung may makikita silang kayumanggi at kapwa nilang Pilipino na umaalalay, umaantabay at andoon palagi para tanungin man lamang paano ba ako makakatulong sa iyo?

MM: At sa datos ata sa senate hearing ano lumampas na sa halos isang libong kaso, wala yatang nagkaroon ng mahusay na resulta ano po parang tila negligible to zero ang rate of positive action o positive result sa mga kaso.

CHIZ: Well, sinubukan naming maglagay ng legal fund noon pero nawala na noong nawala din ako sa Senado, sinubukan naming maglagay noon ng pondo rin para sa ika nga blood money pero nawala na rin ‘yun. Dapat klaro din ang polisiya ng pamahalaan natin paano kung kapwa Pilipino ang napatay o nasaktan niya. Ito ang tutulungan ng pamahalaan, itong mga bagay na ito Malou, hindi pinag-uusapan, hindi tinatalakay at hindi binibigyan ng karampatang solusyon at plano dahil nangyayari talaga ito especially on the ground.

MM: Senator Chiz, kayo po ay lawyer ano po at sa UP eh talaga namang parang ang Human Rights is a big pillar of a being a lawyer, ‘yung ICC investigation. Ano ang silip niyo doon? Kasi ayaw ng ating pamahalaan tumulong although ang issue ng ICC, parang complementarity hindi ata sapat ang ginawang aksyon sa 6,000, ang sabi 30,000 ang napatay at huli na ang lahat, ang mga naakusahan, parang administrative process lang, hindi criminal prosecution. Ang House naman si Cong. Gloria Macapagal-Arroyo nagpanukala ng resolusyon na tulungan si Pangulong Duterte. Sa Senado, ano ang diskusyon? Dapat bang tulungan? Dapat bang ang ICC o dapat, pabayaan na lamang muna na problema ito ng ating Department of Justice.

CHIZ: Simulan natin, Ma’am Malou. Umatras tayo sa ICC. Tama man ‘yun o mali, hindi na ‘yun dumaan sa Senado. So sa kasalukuyan hindi tayo miyembro ng isang international organization na naglikha ng ICC. Ang unang tanong na legal ay may jurisdiction ba sila sa atin ngayong hindi na tayo miyembro? Pangalawa, nabasa ko ang resolusyon ng Kamara at may basehan naman, isa sa mga requirements bago imbestigahan ng ICC ang isang tao sa isang bansa dating Pangulo man o sinumang opisyal ay hindi nagpa-function ang ating judicial at investigative system. At hindi naman ‘yan ang kaso sa Pilipinas at kahit sinong oposisyon ay hindi sasabihin na hindi nagpa-function ang ating DOJ, ang ating prosecutorial arm, ang ating Ombudsman, ang ating mga Korte at hindi rin naman siguro tamang aminin din ‘yun dahil hindi naman talaga tama.

Ang tanong ko Ma’am Malou, bakit may nagiimbestiga kay Pangulong Duterte sa ICC laban sa kanya? Meron bang iisang kaso na naihain sa Pilipinas laban kay Pangulong Duterte kaugnay sa maski na isang pagpatay n anaganap o nangyari sa ilallim ng kanyang drug war noong siya ay Pangulo? Dahil ‘yun ang pinakamaliwanag na ebidensya kung saka-sakali na tumatakbo ang hustisya sa bansa.

Pero kung wala namang nagkaso, mali naman na sabihin natin na ‘yun ang basehan para sabihing hindi tumatakbo ang judicial system natin kung wala namang naghain ng reklamo o nagsampa ng kaso. Hindi ko masyadong kabisado ‘yan, Ma’am Malou, dahil gaya nga ng sabi ko sa gitna ng pandemya noong ako ay local executive ay ‘yun lang ang tinutukan ko talaga at hindi ako masyado sumabay sa mga updated na balita kung may kaso ngang naisampa rekta labang kay Pangulong Duterte kaugnay ng bagay na ito.

MM: Parang tila walang siya ang pinapangalanan, ano po, kundi ang mga officers ng PNP na nalahok sa kaso pero ang Rome Statute po, kasama pa tayo hanggang 2019. Noong Marso 2019 nung tayo ay nagpull-out at ang mga kaso daw na gusto imbestigahan, bago naganap ‘yung pull-out.

CHIZ: Legal na kuwestiyon na ‘yan, Malou. Dahil sa ngayon na sila ay mag-iimbestiga, hindi na tayo myembro. Parang pumasok ka sa isang organisasyon at pinagbabayad ka ng membership fee o pinapa-invest ka noong ikaw ay kumite eh miyembro ka pa pero sa ngayon hindi na, sisingilin ka pa rin. Magandang katanungan ‘yan kung saka-sakali.

MM: Now ang pinaka maugong na balita ngayon iyong West Philippine Sea incidents. Alam ko may ilang senador na parang tipong napakaastig ng posisyon, matapang na parang kung may laser sila, dapat may laser din tayo. Ano ang tingin nyo doon? Ano ang hakbang na puwedeng gawin? Dapat bang i-invoke na ‘yung EDCA o ‘yung Mutual Defense Treaty? Dapat bang bigyan ng mas dagdag na armas ‘yung ating mga coastguard? Anong tingin ninyong dapat gawin ng Piiipinas?

CHIZ: Una sa lahat, nakasaad sa Saligang-Batas na the Philippines renounces war as an instrument of national and foreign policy, para sabihin nating mag-a-armas tayo, mag-MDT na tayo, makipag giyera na tayo. Ibabalik ko ang tanong sa kanila, Ma’am Malou, ‘yan ba talaga ang gusto nila? Sige na inaapi tayo, sige na pinapasukan ang ating teritoryo, sige na niruruyakan ang Karapatan at soberenya natin, pero giyera ba agad ang gusto natin kaugnay dyan? O uubusin muna natin ang lahat ng mapapayapang paraan na maari at possible?

Sang-ayon ako sa ginawa ni Pangulong Marcos, puwede nga DFA Secretary lang hindi sya mismo pero siya mismo ang nagpatawag ng Chinese Ambassador at niliwanag na hindi katanggap-tanggap ung kanilang paliwanag at rason na hindi naman daw un act of war or belligerency at hindi naman daw iti-threaten ang ating Coast Guard. ‘Yung EDCA hindi naman ini-invoke un, pwedeng i-invoke eh ung MDT o ung Mutual Defense Treaty. Pero klaro din sa MDT mam Malou na disputed territory katulad nitong West Philippine Sea ay hindi kasama sa teritoryong puwedeng gamitin, parang NATO na they will not allow even one square inch, ikan ga palaging sinasabi un sa Ukraine di ba, na mapasukan. Ito ay disputed territory so hindi papasok ang MDT. Papasok lamang ang MDT kapagka ang pinag-uusapan natin ay halimbawa, Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, pero kung karagatan at kinukwestyon din, ika nga, bagaman may desisyon tayo pabor sa atin sa The Hague, hindi naman ito tinatanggap ng bansang China at ang nakakatawa pa nga hindi pumirma ang Amerika sa UNCLOS, ang China ay pumirma. Ayaw sumunod ng China, pinapatupad naman ng Amerikang hindi naman pumirma ng UNCLOS. Ganoon nakakalito ang international law dahil wala namang international police tulad sa isang bans ana pwedeng ipatupad ang mga batas na umiiral sa international level.

MM: Parang nalilito ang mga tao, noong panahon ni Pangulong Duterte, nag-China pivot, ngayong panahon ni PBBM, parang tipong nagrerepivot sa Estados Unidos at sa totoo lang parang two levels ano po ang pakikitungo natin sa China. We need the loans, the ODA, we need the project funds pero sa security tameme tayo. Noong panahon ni Pangulong Duterte halos pleading o parang walang ganoong maanghang na salita. In fact, defensive pa ang posturing natin, we don’t need the war, we can’t go to war with China. Ano sa tingin niyo? The China card, is it very confusing even for the people in the Senate na how do you deal with China kung ang Philippine interest, territorial claims man ‘yan, economic, investment interest natin ang pag-uusapan tita kontra punto.

CHIZ: Some principles and some concepts, Ma’am Malou. Una, foreign policy is solely dictated by the President, call niya ‘yan, kaya kung magababago man sa kada administrasyon, natural ‘yun dahil nagbabago ang Presidente sa kada adminstrasyon. Sa katunayan, walang papel ang Kamara kaugnay ng foreign policy. Ang tanging papel sa foreing policy ng Senado ay kung may pinasukang treaty o tratado katulad ng RCEP ang Presidente. Pero kung executive agreement ‘yan katulad ng EDCA ni walang say ang Senado kaugnay sa bagay na ‘yan. Diktado ng Pangulo yan so natural lamang na nagbabago-bago ‘yan.

Pangalawa, kung susuriin mo ang kasaysayan noong termino ni Pangulong Duterte tila nag-China pivot man siya, tila inaaway man nya ang America pero ikumpara mo ang term niya sa term ng mga nagdaang Pangulo, si Pangulong Duterte ata ang may pinakamaraming nakuha mula sa Estados Unidos kabilang na ang Bells of Balangiga. So ‘yun ba ay istratihiya? ‘Yun ba ay pagpapakipot? ‘Yun ba ay pagpapaligaw lamang? Hindi ko alam. Sinadya ba iyon? O nagkataon lamang? Hindi ko rin alam. Tulad nang sinabi ko, foreign policy is solely dictated by the President. So, since nakuha na natin karamihan, I’m sure during the time of President Aquino mas maraming nakuhang military assistance si Pangulong Duterte, monetary-wise, equipment-wise. Inaaway pa niya ‘yun sa lagay na ‘yun. Dekada na natin hinihingi ang Bells of Balangiga, dun lang binalik, ang hinihinging kapalit bumisita ka lang sa Amerika na hindi binigay ni Pangulong Duterte ‘yun. So tama ba siya? Mali ba siya? May China pivot nga ba? O piniga lang nya ‘to dahil matagal na tayong tinitipid, I cannot answer that because I am not privy to the intentions they have when they did or did not do some certain things.

On the part of President Marcos, it’s the same. Unfortunately, the Constitution does not require disclosures with respect to the intention of why a President does or does not do this or that in relation to a particular country. Why he goes to this or that country? Lumpsum lang naman din kasi ‘yung travel appropriations na binibigay ng Kongreso, because again under the Constitution that is within his sole discretion.

MM: Pero recently katulad nung kay Pangulong Duterte ang daming pinapangako ng China na doon sa panahon ni Pangulong Duterte eh marami ring napako. In fact, Japan came in as the biggest source of loans and grants o ODA, not China. But China promised billions and billions of dollars, nagyon may pangakong ganun din kay Pangulong BBM so are we not, parang, open to the possibility na China is playing us?

CHIZ: Well, definitely. But we must learn from the past as well. I think the belief of China up to today is the principles put forth by former leader Deng Xiaoping which basically looks at foreign policy, and foreign relations simply this way, let’s agree on what we can agree on today and set aside what we disagree on. Who knows after 30, 50 or 100 years, it’s not be an issue anymore. In the meantime, it is not a reason for us to go to war, fight and destroy each other. If there are a hundred things we can agree on and five things we disagree on, let’s set aside the 5 things. In the meantime, let’s work on the things that we can work together on. ‘Yun naman ang polisiya seems to be positive and looks in the long-term rather than the short-term of a six-year presidency.

MM: At mukhang tila sabi nga ninyo prerogative ng Pangulo solely ang foreign policy. The foreign trips, you have not joined ano po, actually, you never wanted to join the foreign trips of the president but there have been 9 already foreign trips official and state visits. What do you think? Is that a waste of public funds or is it enough actually to cover the goodwill and the promised investments?

CHIZ: I can only speak for myself, Ma’am Malou, it is a waste of my time, for sure. Dalawang oras ka advance palagi bago dumating ang Pangulo, dalawang oras ka, aantayin mo hanggang matapos at umalis ang Pangulo. You are the first to be there and the last to leave. Hindi naman talaga ako kailangan doon. ‘Yun ay pribilehiyong binibigay, pagkakataong binibigay sa mga miyembro ng Kongreso at senado na pinili ko na lamang hindi tanggapin kada taon noong ako ay nasa senado dahil mas pipiliin ko kung may sobra man akong oras, makapiling na lamang, makauwi sa probinsya, makapiling ang pamilya, ang mahal sa buhay, gawin ‘yung trabaho ko kaysa bimiyahe ka na de numero ang galaw mo at kadalasan nakatambay ka lamang at naghihintay sa susunod na schedule ng mas matataas na opisyal particular ng Pangulo.

MM: Pasintabi Senator Chiz, alam ko ayaw nyo ng personal questions. Kailan ang anniversary ng inyong wedding? I’m just curious, think it’s going strong, ano ho ba?

CHIZ: Eight na. OK naman. She’s usually the one who talks about these things. I never do. What she says goes. I don’t think it’s people’s business to delve into my personal life because that has nothing to do with my job, Ma’am Malou. In relation to Heart, sometimes, it does so she’s the one who usually gets to speak about these things. Not me and never me because it has no relation to my work nor does it have any relation to my public life. That way I get to shield my kids too from things that has nothing to do with them unless mag decide silang pumasok sa pulitika, pagdating ng panahon.

MM: The kids are about teenagers already?

CHIZ: 15, grade ten. Nag-attend ng unang soiree ang anak ko. ‘Yung anak kong babae nasa Boracay kasama ang mga kaklase, may kanya-kanya na ang buhay (

MM: Does that make you a jealous father? O parang very cautious father vis a vis your daughter?

CHIZ: Right now, I’m alone in the house, Malou. Heart is in Paris, she just arrived a few hours ago, my daughter is in Boracay, and my son is in basketball practice.

MM: So parang independent but complementary lives ganoon po?

CHIZ: May kanya-kanyang buhay and you must give them the best opportunity to be able to explore and find out what exactly do they in their respective lives so that they can get to choose well when the time comes.

MM: Sabi nila, LDR relationships are OK already basta matibay ang pagsasamahan. Alam niyo ang LDR, Sir?

CHIZ: I know, I know. Hindi naman. Sometimes, it depends. Sometimes distance makes the heart grow fonder. Naghahanap but sometimes distance also can make the heart grow fonder dahil nami-miss mo at saka hindi naman mahabang panahon. Hndi naman LDR na nag-OFW, halimbawa, o LDR na limang taon, tatlong taon. Example In the case of my daughter, 3 days, 3 weeks in the case of Heart. During the pandemic, Ma’am Malou, I was in Sorsogon for months on end, coming home only for a couple of days every two weeks so it’s part of the work we have to do, it’s part of life both family and my life.

MM: And the kids are OK also?

CHIZ: Awa ng Diyos, hindi pa kami lahat nagkaka-Covid

MM: On that note, we would be monitoring the future of Maharlika ano po. Parang kayo lang ata sa senate, nina Senator Sherwin at Senator Koko ang matibay-tibay ang tindig na suriin natin mabuti ‘yan. What do you see will happen as end game for Maharlika?

CHIZ: Again, if it will be passed, it will not be passed in the shape, size, form, and color as we see it now in the version of the Lower House nor in the bill filed in the Senate. That is the only way in my mind it will pass in the senate to become a law.

MM: And a phone call from President BBM will not change your minds?

CHIZ: Unless he can answer the questions directly.

MM: Papaano kung hindi niya masagot tapos pakiusap lang na parang let this pass, balato mo na ito sa akin.

CHIZ: It is not a question of letting it pass. It must be clarified and fixed. That’s not what I am being paid a salary in government to fix the things that they want to do. They should be the ones to do it, they should be the ones to research, and find solutions in relation to the things they want to propose for approval by the senate or by congress. It’s not for us to fix it for them, so it is not a question of delaying or preventing its passage, it’s a question of them being able to clarify their position and providing clear answers to simple and basic questions about it.

MM: Aral-aral pa ang economic team para masagot ang mga tanong ng Senado, hind naman kasi puwedeng gusto lang basta lang hindi pupwedeng ganon kasi lahat ng tao hilong-hilo an o ba gusto niyo?

CHIZ: Exactly my point, Ma’am Malou. If ever that call is made, my answer would simply be please kindly tell them to answer the questions clearly, succinctly, and briefly. The shorter it is the faster it will pass. The clearer it is the better it is for them but it is not for us to simply approve it, pass it, vote for it, as it is as the way it is presented right now.

MM: Very good. That concept is not clear, the concept is confused but the questions are very sharply put. Maraming salamat Senator Francis Chiz Escudero, magandang araw po.

CHIZ: Maraming salamat, Malou. At sa ating tagasubaybay, magandang araw sa inyo at maraming salamat sa pagkakataon. Ingat kayo.