TUNGKOL SA DARATING NA UNDAS

 

Ngayong Undas, simula po sa October 30 (Sabado) hanggang November 3 (Miyerkules) ay pansamantala po nating isasara ang ating mga sementeryo sa buong lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat at maiwasan pa ang paglaganap ng COVID-19. Nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya.

Hinihikayat ko ang lahat na ngayon pa lamang ay simulan na ninyo ang pagdalaw sa puntod ng inyong mga yumaong mahal sa buhay. Bukas ang mga sementeryo ngayon hanggang sa darating na Biyernes ng hapon.

Mahigpit tayong magpapatupad ng minimum health protocols, kasama na ang social distancing at limitadong pagpapasok sa mga semenyeryo bago o pagkatapos ng itinakdang araw ng pansamantalang pagsara.

Hindi man natin makakapiling ang ating mga mga mahal na yumao sa mismong Undas, tayo ay mag-alay ng taimtim na panalangin para sa kanila at sa mga naulila.

We especially remember and pray for those who died of the coronavirus and for the loved ones they left behind. According to the DOH, there are 388 COVID deaths in the province, as of October 21.

Patuloy po tayong mag-ingat upang wala nang malagas pa sa ating mga mahal sa buhay. Sabay-sabay nating labanan ang COVID-19.